Masturdating

by Sankage Steno

Pinag-iisipan ko kung manonood ako mamaya ng Avengers: Age of Ultron o tatambay na lang sa coffee shop para tapusin yung binabasa kong Chuck Palahniuk book at saka yung sinusulat ko na balak kong isali sana sa Palanca.

Nakakatamad kasing mag-ayos ng mga papel sa Palanca. Andaming ek-ek. Tapos gagastos pa ‘ko sa pagpapanotaryo para lang ipamigay sa kanila yung gawa ko. Wow. Tapos di naman sure na mananalo ako. Kung manalo man ako, nasa 8k to 15k lang ang makukuha ko, plus bragging rights. Luge.

Kaya nagdadalawang-isip talaga akong i-push s’ya. Lapit na deadline, susme.

Anyway, saka ko na pag-iisipan yon. Magde-decide muna ako kung sa’n ko gagastusin yung natitira kong pera: kung sa kape at libreng Internet o sa sinehan (na gagastos pa ‘ko para sa popcorn at soda). Anlaki ng problema ko no? Malaki naman talaga.

Isipin mo, pinoproblema ko kung pa’no ko gagamitin yung alone time ko. ALONE. Ako na namang mag-isa ang iinom ng kape, kakain sa restaurant o manonood ng sine. Ayoko namang umuwi agad sa apartment dahil lalo akong walang magagawa o makakausap. Lalo ko lang mararamdaman ang lamig ng pag-iisa.

Yes! Dramarama sa hapon.

Pwede naman akong magyaya ng kaibigan, kaso marami sa kanila yung hindi pwede. Syempre mas prefer nilang sumama sa kanilang mga BF/GF o sa ibang group of friends. Ayoko rin namang mamilit dahil wala naman ako sa lugar. At ayokong masabihang “clingy.” (Kahit lahat naman talaga tayo may pagka-clingy sa mga taong gusto natin.)

Iaasa ko na lang mamaya kay Tadhana yung posibleng makasama ko sa a) pagtambay sa coffee shop o b) panonood ng sine. Hindi pa naman kami vibes ngayon ni Tadhana. Ayoko kasing iasa sa kanya lahat ng moments sa buhay ko. Ayun, nagtampo. Ngayon medyo inaalo at nilalambing ko para magkasundo ulit kami.

Sana tumalab yung efforts ko sa kanya.

Malakas ang kutob kong ang ending nito mamaya, mag-isa lang akong magkakape/magbabasa/magsusulat sa coffee shop, tapos saka ako manonood ng Avengers. LFS.