Powerful Epaloids

by Sankage Steno

Bakit ba laging umeepal yung mga taong “simbahan” sa affairs ng gobyerno? Mahirap bang intindihin na magkahiwalay ang church at state? Nasa constitution kaya yun. Tanga lang?

Dati sa isyu ng RH bill, epaloids yung mga katolikong pari at obispo; ngayon naman, nag-resign si John Phillip Sevilla bilang commissioner ng Bureau of Customs (ang isa sa pinakakurakot na ahensya ng gobyerno) dahil diumano sa pangingialam ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.

Pinagpipilitan daw kasi ng INC na iluklok si Teddy Sandy Raval, chief of the BOC intellectual property rights division, bilang pinuno ng enforcement and security services (ESS).

Alam mo ba yung trabaho ng pinuno ng ESS? Sabi sa Rappler, yung posisyon daw na gusto ni Raval e tinatawag ding “head of the Customs police.” Siya lang naman ang mamamahala sa at least 400 na armadong pulis ng BOC. Powerful, ‘no? Ano kayang balak n’yang gawin sa ganu’ng klaseng kapangyarihan?

Syempre tinanggihan ni Sevilla na maluklok ‘tong si Raval, kasi yung posisyong ‘yon sa ESS e presidente lang daw ang pwedeng mag-appoint. Saka di rin daw n’ya alam yung experience at credentials nitong si Raval. Di sila close, ganyan.

Tama naman yung ginawa n’ya, di ba? E kaso makapangyarihan talaga ‘tong mga taga-INC. Nagawan pa rin nila ng paraan na maisingit yung papel ni Raval para maluklok sya dun sa pinapangarap n’yang pwesto (o pinapangarap ng INC para sa kanya/kanila).

Ibang klase.

Hindi ako nag-iimbento ha. Eto yung sabi ni Sevilla sa interview sa kanya ng Rappler:

I said, ‘What is this? Why are we appointing people at the behest supposedly of Iglesia ni Cristo? That just goes against my own principles. Every assurance I made to our own team here at Customs that politics and influence-peddling would have zero role in appointments and promotions in Customs.’

Hindi pa naglalabas ng pahayag yung kampo ni Raval o yung kahit sino sa INC. Baka naghahanap pa sila ng mahusay na PR agency na pwede nilang bayaran nang malaki to cover up this madness. Kung hindi naman kasi totoo, madali lang naman magsabing, “No, it’s not true.”

Nalalapit na naman kasi yung presidential election kaya matunog na naman ‘tong mga taga-INC. Liligawan na naman sila ng mga pulitikong gustong manalo sa halalan sa isang taon. Kaya lalong lumalaki ang ulo ng mga miyembro ng INC e, lalo na yung mga nasa posisyon.

At ang kapal din naman ng mukha nitong mga taga-INC kung totoong naglalagay sila ng mga tao sa Customs (at kung saan-saan pang posisyon sa gobyerno). Gawain pa ba ‘yan ng isang religious institution? Di pa ba sapat yung nakukuha nilang ikapu at yung pera sa mga lupa at negosyo nila? Ngayon Customs naman ang puntirya nila.

Baka magpapatayo na naman sila ng panibagong arena. Ayos ‘yan. Gawin nilang parang Colosseum, tapos gawin nilang gladiators yung mga miyembro nila. Unahin na nila yung mga namumuno, ta’s saka sila magpatayan du’n.