Magandang buhay

by Sankage Steno

Minsan iniisip ko kung sa past life ko e isa akong Igorot. Either that or isa akong pine tree, ganyan. Lagi kasi akong dinadala ng pagkakataon sa kabundukan ng Cordillera. Kakauwi ko nga lang kanina galing sa Mt. Province. Hindi sa Sagada, for crying out loud.

Kung friend kita sa FB, alam mo na ‘yun. Kung hinde, let’s keep the mystery, okey?

Hindi ko rin balak i-share ‘yung buong experiences ko du’n. Konti lang. Saka kasi hindi ko pa nasusulat ‘yung article ko para du’n. Baka mapagalitan ako ng mga nakapangyayari sa tatsulok. Ishe-share ko na lang ‘yung on-the-spot speech ko kahapon para du’n sa mga kapatid nating Kankana-ey.

Don’t expect na verbatim ‘to, ha? Hindi ko naman ni-record ‘yung sarili kong speech. Di pa ‘ko ganu’n ka-conceited. Saktuhan lang. Pero, pramis, true to its essence ‘yung ibabahagi ko rito. Here you go, sago!

Magandang buhay!

Ako po si [Sankage Steno]. Maraming beses na po akong nakaakyat dito sa Mt. Province, pero unang beses ko pong nakarating dito sa [barangay].

Marami po akong gustong ipagpasalamat sa inyo. At marami po akong mami-miss [dito] pagbalik ko sa Maynila. Unang-una na po ‘yung kanin n’yo. Ambango-bango po at ansarap-sarap.

Andami ko pong nakain pero di po lumalaki ‘yung t’yan ko. May magic po yata ‘yung kanin n’yo. Wala rin pong mataba dito sa inyo. Baka nga po talaga dahil sa kanin.

Pangalawa po, ‘yung lamig. Dito lang po ako nakatulog nang nakakumot, balut na balot. [Saka] summer po pero naka-jacket ‘yung mga tao. Bakit ganu’n? At ‘yung tubig n’yo po, nangangagat. Bakit ganu’n?

Panghuli po, syempre, ‘yung mga tao. Ambabait n’yo pong lahat. Lagi po kayong nakangiti. Tapos ‘yung mga bata po dito, rosy cheeks. Kanina ko pa nga po kinukurot ‘yung pisngi ko pero ayaw pong mamula.

Sana po makabalik ako dito [sa inyo soon]. Maraming salamat po.

P.S.
Alam mo ba? Hindi ako naligo nu’ng Sabado. Tangina kasi anlamig talaga. Tapos nu’ng kinailangan ko nang maligo nu’ng Linggo (kahit ansakit-sakit sa kalooban ko), bumilang talaga ako ng 1-2-3 bago magbuhos ng tubig sa katawan. Tapos nu’ng naibuhos ko na, nagtatarang ako sa loob ng banyo.

I swear, umurong lahat ng dapat umurong, at nagsitayuan lahat ng dapat tumayo sa katawan ko. Taragis lang. Sobrang lameg! Buti na lang napigilan kong sumigaw. Para sa mga weak lang ‘yun. Strong kaya ako. Sa pag-ibig lang ako mahina. #hugotpamore

Jpeg