H

by Sankage Steno

Me na-interview ako nu’ng isang araw sa isa kong kinover na event. Natawa ako sa pangalan n’ya, pramis. Tatlo kasi yung first names n’ya, plus apelyido, pero di ako du’n natawa. Ako kaya me dalawang first names, Sankage Steno.

Wala akong apelyido.

Natawa ako dahil du’n sa pangatlo n’yang first name: Brhuce.

Ampotek. BrHuce talaga? Anong naisip ng mga magulang n’ya at siningitan talaga ng H yung kay ganda-gandang name na ‘Bruce’? Oh, the mind of a Filipino creature. I just can’t! I just! Oh well, at least hindi Bruhce, di ba? O kaya, Bruce-H. Maisingit lang.

I-try ko nga sa pangalan ko: Shankage Shteno. Panget.

Dapat kasi nasa tamang placing yung letter H para maging perfect yung pagpapangalan Filipino-style. Since sa S nagsisimula yung pangalan ko, hindi s’ya dapat sundan ng H, unless gusto mong maging shoshal or ala-Gloria Arroyo ang pagsasalita, ganyan.

Eto, try ko ulit: Sankhage Stheno.

Okay na ‘yung Sankhage e. Very Pinoy na ‘yung dating. Kaso olats yung Stheno. Parang Athena. Or The. So dapat hindi rin s’ya isunod sa letter T. Ang galing ‘no? Meron palang rule talaga sa pagpapangalan nating mga Noypi. Asteeg. Isa pa! Isa pa!

Eto naman: Sankhage Stenho.

Oha-Oha! Ansabe! Grabe. Nakakaiyak ‘tong moment na ‘to. This is the reason for my existence. Eto talaga ‘yung dahilan kung bakit ipinagkaloob ng Diyos na ipanganak ako sa mundong ito. Wait. Saglit lang. Let me cherish this moment. The moment that I’ve been waiting for all my life.

Again, again, again: Sankhage Stenho.

Thank you, Universe.

Sa wakas, Jeehzuz, nagawa ko ring maisulat nang tama ang aking pangalan. Parang Yahweh lang ‘yan e. Oh the letter H! Ikaw ang alpha at ang omegha! Ano na lang ako kung wala ka sa alfabhetong Pilipinho? OMGH!

Okay, I should stop. Baka magka-tumor na ‘ko sa brhain.