Belabor Day

by Sankage Steno

Grabe, ang init kagabi. Pagising-gising ako sa madaling araw, to think na nakatutok na sa ‘kin ‘yung electric fan at brief lang suot ko. Samantalang nu’ng nasa bundok ako nu’ng isang linggo, balut na balot ako ng kumot sa pagtulog. Fie!

Bad trip tuloy nu’ng pumasok ako ng opisina. Ni hindi ko nga nabati ‘yung mga kaibigan ko ng “Good morning, guys! It’s such a wonderful day!” Dumiretso na lang ako du’n sa computer ko at nagpaka-corporate slave.

Pero nu’ng pagkagising ko kaninang umaga, tamad na tamad akong maligo at gumayak, kasi nga ampangit ng tulog ko. Tapos lahat ng reklamo ko sa work, nasabi ko yata sa isip ko, namely:

Ano ba ‘yan! Papasok na naman! Araw-araw na lang ganito ginagawa ko. Routine-routine, chenes! Tatanda at mamamatay akong ganito. Such a pitiful life.

Hindi lang ‘yan. Nu’ng pababa na ‘ko ng hagdan para lumabas ng bahay, naisip ko naman ‘to:

Nakakatamad, puta. Kung kelan last working day of the week na, saka pa ‘ko tinamaan ng katamaran. Bwiset. Ang init pa.

Pero ‘wag ka, me kadugtong pa ‘yan.

‘Yung sweldo ko ngayon, mapupunta lang sa mga bayarin. Magbibigay pa ‘ko sa bahay. Putek. Kelan ko kaya masosolo ‘yung pinaghihirapan kong pera? I want to be independent/selfish!

E biglang pumasok sa isip ko ‘yung BIR at si Napoles…

Trabaho ako nang trabaho, anlaki-laki naman ng kinakaltas na tax sa sweldo ko. Ta’s ano? Napupunta lang ke Napoles! Napupunta sa mga tarantadong kurakot na pulitiko! Ni hindi nga nila maayos-ayos ‘yung MRT at ‘yung traffic sa EDSA. Pisting yawa!

Then, naisip kong may forever pala.

Ano? Forever na lang akong ganito? Forever employee? E putarages na mga nagsasabing mag-business, mag-business. Alam n’yo ba kung ga’no kahirap magtayo ng negosyo sa Pilipinas? Puro kayo dada! Wala naman kayong alam! At ‘pag ba nagka-business ako, sure na yayaman ako?

At naalala ko ‘yung kaisa-isang hindi ko pinangarap na maging simula nu’ng bata ako.

Puro kayo yaman! Pera! Salapi! Kwarta! Hindi ko naman pangarap na yumaman!

Tapos ngayon okay na ‘ko. Tapos na ‘yung araw. Long weekend na. Di na ‘ko bad trip. Aircon at pagkain lang pala katapat ko.