Requiem aeternam

by Sankage Steno

Me idea na ‘ko kung pa’no ako mamamatay at medyo na-predict ko na s’ya before sa luma kong blog entry.

Ang bungad ba naman sa ‘kin ng isa kong kababata/kumare kahapon nu’ng magkita-kita kami sa bahay ng isa ko pang kababata, “Napanaginipan kita.” At hindi s’ya nakangiti nu’ng sinabi ‘yon, so malamang masama ‘yung napanaginipan n’ya.

Automatically, inisip kong namatay ako sa dream n’ya.

Totoo naman. Sinabi n’ya nga sa ‘kin na namatay daw ako sa isa kong travel. Tinanong ko kung saan akong lugar mamamatay. Sabi n’ya, basta raw iba ‘yung culture. Tinanong ko kung pa’no ako mamamatay. Sabi n’ya, di raw n’ya maalala. Basta parang sa ibang bansa daw ako mamamatay dahil iba ‘yung culture.

E putek, sa tatlong nakahilera kong byahe ngayong taon, dalawa du’n e ibang culture. Taragis ‘yan. Ambata kong mamamatay if ever premonition ‘yung panaginip ng kaibigan ko.

Syempre, una kong naramdaman e dread, then fear. Tapos there’s a tinge of sadness, then the pang of regret. Andami ko pang gustong gawin sa mundo at sa buhay kong ‘to. Iilan pa lang ‘yung mistakes ko sa buhay at kokonti pa lang din ‘yung naa-achieve ko na talagang proud ako. Tapos kukunin agad ‘yung buhay ko? So unfair.

Ang mas weird lang, somehow, sa isang sulok ng utak ko, alam kong andu’n ‘yung excitement. I mean, hindi ako excited mamatay, pero parang curious ako sa kung ano meron ‘pag namatay ako. Ang paniwala ko kasi ngayon, wala. As in babalik lang ako sa lupa bilang pataba. The great circle of life, ganyan.

Pero what if meron ngang afterlife? What if meron ngang reincarnation? What if wala pala talagang god? Magiging multo kaya ako? Ano ba ang “feeling” ng namatay? Gaano kasakit/kasarap? Siguro naman kahit isa sa mga tanong na ‘yan e me masasagot na ‘ko kapat namatay ako this year.

Medyo natatakot na tuloy akong magbyahe ngayon, pero itutuloy ko pa rin syempre. Lagi ko naman din kasing iniisip na mamamatay na ‘ko mamaya o bukas. Nagkaroon lang ng “ebidensya” ngayon. Hay, nakakalungkot. Kung sakali, matitigil na ‘yung pagsusulat ko rito. Di ko na rin makakasama ‘yung mga mahal ko sa buhay, pati ‘yung mga hindi ko mahal sa buhay. Matatapos na sa wakas ‘yung mga problema ko.

Kalungkot talaga.

Siguro dapat ko nang seryosohin ‘yung paggawa at pagtupad ko sa bucket list ko. Here’s a one-two combo: Forgive god and forgive myself.