Hindi ngayon

by Sankage Steno

Ngayon lang ulit ako nakapagbasa ng Thought Catalog in a long time. Na-corny-han na kasi ako sa kanya, pero napa-click ako bigla kasi ang topic e about sa mga quote from How I Met Your Mother.

Sa lahat ng main characters, tanging si Robin lang ‘yung walang quotable quote sa top 10, which is kinda unfair, to think na s’ya ‘yung isa sa may pinakamabigat na problema: Hindi s’ya magkakaanak ever. Anyway, baka that’s part of her character’s tragedy. Todo-todo na ang pasakit.

As usual, sa 10 napiling quotes nu’ng writer, ang pinakatumatak sa ‘kin e ‘yung ke Barney Stinson. Sabi n’ya:

I realized that I’m searching, searching for what I really want in life. And you know what? I have absolutely no idea what that is.

Alam mo, kapag tinatanong ako ng kung sino-sino tungkol sa plano ko in 5 or 10 years’ time, wala talaga akong ma-picture sa isip ko. Unlike nu’ng bata ako na kapag tinanong ako nang harapan o sa slum book ng “What is your ambition?” o “What is your dream in life?” May naka-ready ako laging sagot.

Lagi kong sinasabi na “I want to be a/the painter/businessman/teacher/president of the Philippines.” Ngayon, “I really don’t know” na lang ang kaya kong sabihin.

E sa wala talaga akong plano sa buhay, masama ba ‘yon? Does that make me any less of a human being? Saka masaya nga ‘yon e, blank slate. Anything goes. Basta kung ano ‘yung dumating, tatanggapin ko. Grab agad, whether or not mabuti s’ya. Para lang hindi ako ma-bore sa buhay.

Of course, I will stay out of trouble as much as possible. But if trouble finds me, I’ll face it head on. Or maybe not. Siguro hindi harap-harapan. Gagamitin ko naman syempre ‘yung utak ko at pipiliin ko ‘yung mga laban na susuungin ko. At kung magkamali o matalo, charge to experience. Hindi naman ako takot magkamali. Mas takot akong manghinayang.

But you know what, parang gusto ko talaga ng gulo. And I think I’ll make decisions leading to that. Sana lang di ako malintikan. Gusto ko pang mabuhay nang matagal.

And that’s that. Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko lang mabuhay. Very Juan Tamad lang ang peg. I know na ang turo sa atin noon e ‘wag maging Juan Tamad, pero masama ba talagang hintayin ko lang ‘yung mga bagay-bagay na mag-unfold, tapos saka lang ako magre-react? E sa tinatamad talaga akong magplano sa buhay at sundin ‘yung planong ‘yon e.

Fine, sige, kumpara natin sa mga successful na tao. Lahat sila nagplano at nagpursigi. Anong napala nila? Legacy? Wealth? Happiness? Hindi sa minamaliit ko ‘yung mga ‘yan. I also want those. At iba pa rin talaga kapag nag-succeed ka sa plano mo. Ang sa akin lang, kahit ga’no ka pa kahusay o kayaman o kasaya sa buhay, magtatapos din lahat sa kamatayan.

Ang morbid ko ‘no? At medyo ang lousy ng thinking ko. But that’s how I justify my lack of direction in life. And it’s not so bad. It’s not so bad.

Sabi nga sa Game of Thrones, “There is only one god, and his name is Death. And there is only one thing we say to Death: Not today.”