Isa pang araw

by Sankage Steno

Gusto ko na talagang matapos ‘tong Norwegian Wood para makapagbasa na ‘ko ng ibang librong mas masaya. Ang tanga ko naman kasi. Ito pang si Murakami ang pinili kong basahin ngayong tag-init. Hindi bagay sa panahon. Feeling ko mas okey s’yang basahin kapag December para lubos ang kalamigan, ganyan.

Ishe-share ko lang sa ‘yo ‘yung isang quote na hindi bastos galing du’n sa book. Naalala ko kasi ‘yung tagline ng Nescafe dahil sa linyang ito:

It’s because I think of you when I’m in bed in the morning that I can wind my spring and tell myself I have to live another good day.

In Tagalog, para kanino ka bumabangon?

O di ba, Nescafe nga? Napakalma lang ako bigla nu’ng nabasa ko s’ya. Para akong humitit nang yosi, hinayaang patagalin ng ilang segundo ‘yung usok sa baga ko, binuga, at saka nakaramdam ng kaunting pagkahilo. After nu’n, gumaan na ‘yung ulo ko na parang nagkulang sa oxygen. Parang ganyan ‘yung feeling.

I’m controlling myself not to answer that question. Ikaw ba? Sino ba ‘yung unang taong pumapasok sa isip mo pagkagising sa umaga? S’ya ba ‘yung dahilan kung bakit gusto mo pang mabuhay at danasin ang isa pang araw sa mundong ito? S’ya rin ba ‘yung huling taong nasa isip mo bago ka matulog?

Ang malas mo naman kung ‘yung bwisit mong boss ‘yung taong ‘yon. Maybe it’s about time to change things in your career kapag ganyan lagi araw-araw. Unless mahal mo talaga ‘yung boss mo and you don’t mind thinking about him/her day in and day out.

O baka naman si god ‘yung unang “taong” naiisip mo. Ambait mo naman. Baka kunin ka agad ni lord n’yan. Seriously though, okey lang naman. If god is the one that makes you “wind your spring,” bakit hinde? Whatever floats your boat.

Kung sino man ‘yang dahilan mo para bumangon at mabuhay sa araw-araw, I’m sure may malaki s’yang puwang sa puso mo. Sana ikaw rin sa kanya.