Patay-Boracay

by Sankage Steno

Nabasa mo na ba ‘yung editorial ng Inquirer ngayon? Title pa lang, alam mo na agad ‘yung gustong sabihin, at medyo nakaka-disturb s’ya. Iligtas daw ‘yung Boracay.

Alam mo, di pa ‘ko nakakapag-Boracay this year, pero dalawang beses na ‘kong nakapunta sa isla na ‘yon. I must admit, ‘yung twice na pagpunta ko do’n, na-enjoy ko naman nang todo. Seryoso. Hindi ko pinepeke ‘yung kasiyahan ko gaya nu’ng mga taong naniniwalang happiness is a choice.

Happiness is not a choice. Either you are or  you’re not.

Ayun, syempre tinry ko ‘yung mga water activities, pati ‘yung ibang activities na panglupa. Panglupa talaga? Of course, di ko rin pinalampas ‘yung party-party. Ako pa ba? E party boy kaya ako nu’ng heyday ko. Well, bata pa naman ako, pero I don’t think magagawa ko pa ‘yung gabi-gabing party at inom tulad nu’ng 21 ako.

Kahit maniwala ako sa Forever 21, feeling ko hindi na kakayanin ng katawang lupa ko. Baka magkasakit ako o mamatay or magkakasakit muna then mamamatay. At least namatay akong nag-enjoy sa buhay. #YOLO

Going back to Boracay. Sabi nila pangit na raw. Well, pangit ‘yung part na malapit sa kalsada, ‘yung sa mga communities kasi parang hindi planado ‘yung pagtatayo ng mga bahay at establishments. Pero ‘yung beach part, sobrang ganda pa rin for me. Naman! The best beach na napuntahan ko sa Pilipinas.

Maraming nagsasabi na me mas magandang beach pa raw dito sa bansa, pero mahirap kasing ialis ‘yung experience ng Boracay sa paghuhusga ko sa kanya. I’m biased, sorry.

Kaya nu’ng nabasa ko ‘yung opinion piece ng Inquirer, lalo akong nabahala. I mean, lagi ko na namang naririnig na marumi na raw ‘yung tubig sa Boracay dahil sa kawalan o kakulangan ng matinong sewage system. Tapos sobrang kalat pa raw dahil andami nang tao at negosyo. Na-reach na raw ng isla ‘yung saturation point nito. Di na n’ya makayang maka-recover naturally dahil sa bilis at bigat ng human activities.

I think totoo naman. Ang tanong, anong ginagawa ng gobyerno? Kasalanan na naman ‘to ni PNoy. Lol.

Ako, okey lang kung lagyan ng limit ‘yung number of tourists sa isla. Pabor sa ‘kin ‘yung 10,000 lang per day. Fine, 20,000. Tumawad pa talaga ako. E ang saya kasi talaga du’n sa isla. Kahit wala kang pera pam-party, mae-enjoy mo s’ya. ‘Yung malapulbos na buhangin. Ay, jusme! I’m telling you! Nganga talaga ako. Pinahid ko talaga sa pisngi ko.

Sana lang talaga hindi tuluyang masira ‘yung isla. Iiyak talaga ako ‘pag nangyari ‘yon. Hindi pa naman tayo magaling sa cleanliness and orderliness. Aanga-anga rin ‘yung pamahalaan natin pagdating sa maintenance ng mga bagay-bagay. Gudlak talaga. And I should say the same thing to Sagada at iba pang sikat na tourist destination sa Pilipinas.

Mukang alam ko na kung sa’n ko gagamitin ‘yung libre kong ticket sa PAL.