aksis

by Sankage Steno

bukas mawawala ako
magpapaanod sa bagong mundo
ngunit hindi ako magpapaalam
hindi ka naman magdaramdam

bukas hindi na tayo
sapagkat wala na ako
ngunit hindi mo ito mapapansin
hindi mo ito aanhin

lilisan ako, oo
at marahil di na paririto
wala namang magbabago
iikot pa rin ang mundo