To my dearest ex

by Sankage Steno

Kumusta ka na? Joke! Alam ko namang miserable ang buhay mo ngayon dahil iniwan ka na ng jowang pinampalit mo sa ‘kin. Karma is a bitch, ‘no? Buti nga sa ‘yo. I never thought I’d live to see this day. Seeing you suffer like that merits a fuck-yea meme.

Grabe, ang saya-saya ko talaga ngayon. Biruin mo, nakaganti ako sa ginawa mo sa ‘kin just by doing nothing. Ni hindi ko nga hiniling na hiwalayan ka n’ya e. Wala. Dedma lang. Parang gusto ko na tuloy maniwalang may diyos dahil sa nangyayari sa ‘yo ngayon. I can see the hand of god working in my favor. Or the hands of Karma.

Anong feeling ng niloko’t iniwan? Ang sakit, di ba? Sobra? Wawa ka naman. Huhubels. Wish ko sa ‘yo na sana abutin nang taon ang paghihirap mo bago ka makapag-move on. Pwede na siguro ang two years. Alam ko namang makakapag-move on ka d’yan, pero right now, magdusa ka muna sa sakit. #Laslas

Oh, just so you know, abot-tenga ‘yung ngiti ko ngayon habang sinusulat ‘to.

I suggest magtawag ka na ng sandamukal na tropa. Maghanap ka ng mga kakampi sa ‘yo at magpapagaan ng loob mo kunwari. YOLO-YOLO din ‘pag may time. Nomo-nomo. Yosi-yosi. Gusto mo pahiramin kita ng blade? Tangina sa sakit, ‘no? Ang hirap i-explain. Tapos hindi s’ya nagagamot ng painkiller. Antinde, di ba? Savor it. You deserve that kind of feeling.

Naiisip ko ngang bisitahin ka ngayong mahina ka e, tapos dadamayan kita. Tapos yayakapin, hahalikan, hihimas-himasin in the right places. Pero hanggang du’n lang. Iti-tease lang kita. Asa ka namang babalikan kita talaga. Matapos kang pagsawaan ng ibang tao? Ng mismong ipinalit mo pa sa ‘kin? Utot mo!

Alam kong umaasa ka pa ring magkakabalikan kayo ng ex mo. Go lang. Think what makes you feel good kahit alam mong niloloko mo lang ‘yung sarili mo. I suggest simulan mo na ring tanungin ‘yung sarili mo ng ganito paminsan-minsan: “May magmamahal pa ba sa akin?”

Rakenrol! I’m sure makaka-relate ka na sa lahat ng kanta ngayon. Biglang tatalas ‘yung pandinig mo at maiintindihan mo lahat ng lyrics ng kantang madidinig mo. Kahit sa kanta ng Vengaboys mare-relate mo ‘yung kasawian mo ngayon at maaalala mo s’ya. Sample:

Boom boom boom boom
I want you in my room
Let’s spend the night together
From now until forever

Pwede rin naman ‘yung kanta ng Aqua:

Sometimes, the feeling is right
You fall in love for the first time
Heartbeat and kisses so sweet
Summertime love in the moonlight

Iiyak na ‘yan. Iiyak na ‘yan! Grabe, ansakit na ng tiyan ko kakatawa. So funny. Ansarap palang mam-bully. Pasensya na, ha? Masaya lang talaga ako ngayong nakaganti na ‘ko sa ginawa mo sa ‘kin. Hindi ko naman ginusto ‘yung nangyari sa ‘yo, pero ginusto kong sumaya. I think I deserve this naman.

Oy, advice ko lang. ‘Wag kang magpapakamatay. Malulungkot ako kasi matatapos bigla ‘yung pagdurusa mo. Walang ganyanan. Dapat masaktan ka nang mahabang panahon. Dapat hindi ka makatulog gabi-gabi at hindi ka makakain araw-araw. Dapat maramdaman mong wala nang saysay ‘yung bawat araw na dumarating. Pero ‘wag ka ngang magpapakamatay.

Alam mo ba kung ano ‘yung lasa ng paghihiganti? Matamis s’ya. Parang Coke na walang ispirito. Parang Pepsi na hindi na malamig. Ganu’n s’ya katamis. At dahil nasasarapan ako sa feeling na ‘to, at saka nakaganti na rin ako sa wakas, for what it’s worth, I forgive you.