Bulalo blues

by Sankage Steno

Tutuhurin ko muna ‘yung bayag mo saka ko sasaluhin ng kamay ‘yung leeg mo. Habang patuloy sa pagbuhos ‘yung epinephrine sa bawat sulok ng katawan ko, iaangat kita at iuumpog sa bintana. Kapag di agad nabasag sa unang tama, uulit-ulitin ko hanggang sa a) mabasag ‘yung ulo mo o b) mabasag nang tuluyan ‘yung salamin o c) both a and b.

Kukuha ako ng kapirasong basag na salamin at gagamitin ko ‘yon para palakihin ‘yung hiwa sa dumudugo mong ulo. Kung sakaling hindi matalas ‘yung talim ng salamin, pupukpukin ko ng tome para bumaon sa bungo mo, saka ko kakayurin na parang abrilatang nagbubukas ng Ligo Sardines.

Hahayaan ko lang tumulo ‘yung dugo mo kahit saan.

Kapag nabuksan ko nang tuluyan ‘yung bungo mo, bubudburan ko ng oxalic ‘yung grey matter sa loob no’n. Titignan ko lang kung ano ‘yung magiging chemical reaction. Baka sakaling umimpis ‘yung mataba mong utak. Mas madali ko na s’yang madudukot. Pwede rin naman akong gumamit ng H2O2 para luminis nang konti ‘yang laman ng ulo mo. Try lang.

Ilalabas ko ‘yung utak mo tulad ng pagkuha ko ng laman ng tahong sa shell nito. Pagkakuha, ipapatong ko s’ya agad sa plato. Di ko na huhugasan. I want it rare. I want it fresh. I want it bloody.

‘Yung katawan mo? Sayang walang buwitre rito sa Maynila, papakain ko sana. Papa-chop ko na lang sa kakilala kong matadero sa palengke ng Quiapo, tapos papakain ko sa mga askal du’n sa mga sulok-sulok ng Tondo. Kung me matira pa, itatapon ko na lang sa Ilog Pasig para mapakinabangan ng mga janitor fish. Sila na ang bahalang maglinis no’n for me.

As for your brain, ibibilad ko s’ya sa araw ng ilang araw para makita ko kung ano ‘yung mangyayari, given na me matitira pa sa kanya after kong budburan ng oxalic at H2O2. Asin kaya? Matutulad kaya ‘yon sa suso (nasa ‘o’ ang impit)? Most likely.

Pero kung matutuyo s’ya at magiging solid talaga, ayos. Kukuha ako ng mortar and pestle. Hihiwain ko muna s’ya in bite-size pieces, saka ko didikdikin nang pinong-pino. Dapat maging pulbos ‘yung texture n’ya. Kapag nadurog ko na nang tuluyan ‘yung utak mo, titimbangin ko at isisilid sa clear plastic. 100 grams kada isang plastic.

And I’m done! Ibebenta ko na s’ya sa black market either as performance enhancing drug or aphrodisiac. Feeling ko bebenta s’ya sa mga Intsik. Feeling ko lang naman. Poproblemahin ko na lang ngayon kung magkano kada sandaang gramo.