Wastong pampakalma

by Sankage Steno

Superduperultramega stress ako sa tarbaho ngayon. Oo, tarbaho talaga. Yung tipong di na ko makatulog sa gabi dahil naiisip ko sya. Konting-konti na lang at mapapa-resign na naman ako kahit labag sa aking kalooban. Pero syempre last resort ko na ‘yon.

Umiisip at gumagawa ako ngayon ng mga bagay na magpapakalma sa akin at magpapaalala na maganda pa ang daigdig (Lazaro Francisco, thanks). Ishe-share ko rin sa ‘yo yung mga ‘to para magamit mo in times of need. Lahat naman kasi tayo naii-stress.

Narito na ang aking mga wastong pampakalma kapag Stress Drilon.

Pumupunta sa CR. Isa sa mga paborito kong pampakalma ay ang pagpunta sa banyo ng office o bahay para magsalsal. Kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng salsal, puntahan mo yung lolo mo at itanong mo ‘to: “Lo, mahilig po ba kayong magsalsal? Pwede pasampol?” Kung wala ka nang lolo, pwede rin naman sa lola mo.

Humaharap sa salamin. Gustung-gusto kong ginagawa ito kapag hindi ako makapagsalsal for any given reason. Kapag kita ko na yung reflection ko sa salamin, naiisip ko na napakaswerte kong nilalang dahil saksakan ako nang pogi. Hindi lahat ng tao e pinapanganak na maganda o malaengkanto ang kagwapuhan tulad ko. Kaya naman kapag nakikita ko yung mukha ko, sumasaya na ako. Yay!

Kumakanta. May scientific study na nagsasabing nakakapagpasaya raw ang pagkanta kahit wala sa tono. I-google mo na lang please. Same as pagkain, pero ayokong tumaba ulit kaya kumakanta na lang ako kahit sa utak ko lang minsan. Nakakahiya kasi sa office kahit pa maganda naman yung boses ko. Isa pa, kumakanta lang ako nang todo kapag may hawak na mic. Nagkakatalo lang sa performance level depende sa haba o laki ng hawak kong microphone.

Pumapatay. Libangan ko rin minsan kapag stressed ang pagpatay ng tao… sa isip. Pramis, malaking tulong talaga sya para mabawasan yung pagkairitable ko, pati na rin yung level of violence sa katawan ko. Syempre, ayoko naman talagang pumatay nang totoo, pero nafi-feel ko yung urge kapag pagod at galit ako. So iniisip ko na lang na tino-torture at pinapatay ko in a karumaldumal way yung kung sino man. At effective nga. Kumakalma ako kapag pinapatay ko sya sa isip.

Bumibili ng mamahaling bagay. Andami ko kasing pera. Wala naman akong pinagkakautangan saka wala rin akong magawa sa pera, kaya kapag stressed ako, bili to the max! Ansaya kayang mag-shopping sa black market. Minsan bumibili ako ng jutes, minsan slaves tapos binebenta ko rin kundiman sinusunog, at minsan bumibili ako ng kaluluwa sa devil. Ansarap kayang pahirapan for eternity yung mga kaluluwa sa impyerno. Natulungan ko na nga yung Diyos sa pagpaparusa sa kanila, natulungan ko pang mapakalma yung sarili ko.

Ansaya, di ba? Ikaw, ano yung mga ginagawa mo para kumalma? Share mo naman sa ‘kin.