Anong super power ang wala sa ‘yo?

by Sankage Steno

Naglakad-lakad ako kanina para magpalamig ng ulo dahil nahihilo na ‘ko sa dami ng tarbaho. Nu’ng pabalik na ‘ko, biglang humangin, ta’s yung mga tuyong dahon sa gilid ng daan, umikot-ikot na parang si Sarah Geronimo. Echos lang. Parang mini tornado s’ya.

So ang ginawa ko, minwestra ko yung kamay ko na kunwari me hawak na ball of energy. Kunwari ako yung kumokontrol dun sa hangin na nagpapaikot sa mga tuyong dahon. Parang si Storm lang, ganyan. Ansaya siguro kung nakokontrol mo yung panahon ‘no? Pangarap ko kayang maging X-Men nu’ng bata ako.

Natupad ko naman, in fairness.

Habang lumalaki ako dati, nag-iiba yung mga powers na gusto kong maachib. Nung elementary ako, gusto kong magkaroon ng rose whip na parang kay Dennis. Obviously, s’ya yung paborito kong character sa Ghost Fighter, lalo na ‘pag nagiging taong-lobo s’ya. Astig! Amazing kaya yung huli n’yang laban, yung nagpalabas s’ya ng apakalaking sakura.

Pagdating naman ng high school, gusto kong maging summoner. Kakalaro ko ng Final Fantasy, ayan. Amazing kasi yung magtatawag ka ng ibang nilalang from somewhere para tulungan ka. Parang daig mo pa yung diyos kasi napapasunod mo yung mga entities na, kung tutuusin e, mas malakas pa sa ‘yo. Saka impluwensya na rin ng Accio! sa Harry Potter.

Yun pa! Gusto ko ring maging wizard. Pero more like Gandalf kesa Harry Potter. Gusto ko yung me mahabang staff kesa magic wand. Tapos gusto ko rin na antali-talino ko tapos anlakas-lakas ko pa. Kinatatakutan at hinahangaan ako ng mga tao nang sabay. Parang ngayon lang.

Pagdating naman ng college, naiba na naman. Gusto ko namang maging baylan o priest o healer sa mga MMORPG. Kapag kasi naglalaro ako no’n, ang active-active ko lang kasi lahat ng ka-party mo e nangangailangan ng life. So hindi pwedeng walang healer sa isang grupo. Pinakaimportante s’ya at pinakaindispensable. Epekto rin siguro ng medical ninja sa Naruto.

Of course, sino ba naman ba ang hindi ginustong maging shinobi (ninja)? Ako kaya ang Sankage, ehem.

Side note: Ginusto ko rin palang maging super saiyan noon. Tinry ko kayang mag-super saiyan sa kalsada namin. Anlakas kaya ng sigaw ko. Ayun, hinabol ako ng pamalo ng nanay ko. Nalaman n’yang tumakas ako sa pagtulog sa tanghali. Buset.

Anyway, ngayong malaki na ‘ko at ubod nang yaman at talino, syempre iba na rin yung gusto kong super power. Iba na kasi akong mag-isip at nadagdagan na rin yung mga karanasan ko sa buhay, so iba na yung gusto kong kapangyarihan na makamit, if ever. Alam mo kung ano ‘yon? Hulaan mo… Siret?

Ang pangarap kong super power ngayon na alam kong never pang nagkatotoo kahit sa fictional world ay…

Ang mapaibig ang taong mahal ko