Subukan mong gawin ‘to sa sinehan

by Sankage Steno

Nung Huwebes, nanood ako ng In the Courtyard sa Greenbelt 3. The next night, nanood naman ako ng San Andreas sa Greenbelt 1. At nung Sabado naman, nanood ako ng Insidious 3 sa SM. Oo, may pera akong pampanood ng sine, pero hindi ako mayaman. Hindi rin ‘yon ang point ko kung bakit ko s’ya sinabi. Hindi lang naman yabang ang laman ng utak ko. Sinabi ko s’ya kasi meron silang common denominator.

Sa bawat araw at pagkakataong nabanggit ko sa unang talata, laging me panggulo sa loob ng sinehan. Hindi ko alam kung nagiging trend na s’ya ngayon ng mga tao o sadyang pinipikon lang ako ng tadhana. Sa tatlong beses kasing panonood ko ng pelikula sa iba’t ibang sinehan at iba’t ibang araw, laging me mga taong nag-iingay. Oo, ganun lang kasimple yung inis ko. Me maingay sa loob ng sinehan. Kala mong noon lang nakakita ng malaking TV.

Punyeta.

Sa unang pinanood ko, bago magsimula yung movie, me baklang overconfident na ang ingay-ingay at pa-English-Engish pa. Pilit naman yung punyemas na accent, at wala ring sense yung sinasabi. Gusto lang n’yang maka-attract ng attention. Palibhasa, insecure at mababa ang self-esteem. Dinadaan na lang sa overconfidence para magmukha s’yang masaya o matalino o mayaman. Nagmukha lang s’yang papansin sa ‘kin.

Dun naman sa pangalawang movie, me grupo ng mga babae sa likuran ko na kinikilig sa disaster movie. Puta. Anong klaseng sexual fantasy ‘yan? Mga nahuhulog ang panty kapag lumilindol at me nakikitang namamatay. Twisted ang mga haliparot na ‘to. Sa inis ko, nag-ssshhhh ako, kaso di sila tumigil sa kwentuhan at kiligan. Buti na lang sinaway sila nung isang mama sa gilid ko. Sabi, “Can you keep quiet? This is a movie house.” Boom. Pahiya sina ate.

Sa pangatlong palabas naman, merong mga magkakaibigan at mga batang bukod sa maingay e panay ang pag-narrate nung nakikita sa movie. Ay, may dugo! Ay, me paa! Ay, nawala! Ay, ayan na, Ayyy! Mga puta kayong hindot! Hindi ko kailangan ng comments n’yo. Hindi boxing o basketball yung palabas, mga gago! Sa bwisit ko, tinalikuran ko yung big screen at hinarap yung mga mukang nasa likod ko sabay sabing “Ingay!”

Ganito na ba talaga yung mga Pinoy moviegoers? Anyare sa manners n’yo? Alam ko wala rin akong modo kapag nagsusulat dito, pero pagdating sa public place, alam ko naman kung pa’no maging considerate sa iba. Alam ko kung saan ako lulugar. Alam ko kung pa’no igalang yung espasyo at nararamdaman ng ibang tao. (Weh?) Jusme. Don’t tell me this is a generation gap thing. Aaminin kong hindi na ‘ko bata pero eto? Nagbago na ang panahon? Taragis lang.

Gusto ko silang pagkokonyatan. Bastos lang ang mga pota. Sa susunod, kapag me ganito ulit akong na-experience sa loob ng sinehan, mananapak na talaga ako. Or Stonecold Stunner o People’s Elbow o Batista Bomb para medyo bago. Biro lang. Sasawayin ko lang sila saka babarilin kapag di pa rin tumigil.