Kantatero III

by Sankage Steno

Feeling ko makakakanta ulit ako bukas somewhere. Kung hindi sa office, baka sa MOA Arena. Terey. Pantasya ko kaya yun sa araw-araw. Minsan, kapag nagsusulat sa trabaho, bigla ko na lang maiisip na out of the blue e me lalabas na stage tapos I’d break into a song number. Parang flash mob, ganyan. Pero kanta. Frustration ko kasing makapag-concert sa Araneta.

Kung yun ngang hindi singer o performer nakakapag-concert dun, bakit ako hinde? Porke ba hindi ako artista? Gwapo naman ako a? Pera-pera lang din kasi. Wala namang manonood kahit pa i-promote sa lahat ng channel o magkabit ng ad sa bawat station ng MRT.

Pero mas gusto ko talagang ini-imagine e yung kumakanta ako habang sumasayaw, tapos lahat ng tao sa paligid, nakikikanta’t sayaw na rin. Tapos magre-request sila ng isa pa, ta’s pagbibigyan ko naman. Then I’ll end the show na pawis na pawis at humihingal pa. Concert artist talaga. Total performer.

Pero syempre pangarap lang ‘yon.

Hanggang banyo lang ako nakakabirit, o kaya sa mga karaoke bar. At ang lagi kong audience kundi yung sarili ko e yung mga tomador na me amats na. Not that I’m complaining. Di ko naman pangarap sumikat. Ayokong mawalan ng privacy, at ayoko yung feeling na laos na. As if na-experience ko nang malaos. Kapalmuks ko din talaga, ‘no?

So just in case matupad bigla yung pangarap kong makapag-concert sa Araneta, naghahanda na ‘ko ngayon pa lang. Meron na ‘kong mga nakalinyang kanta na pwede kong kantahin kahit nagsisipilyo pa ‘ko. Meron na rin akong nakareding choreography na pwede sa lahat ng kanta. Yung mga two at four counts lang, ta’s uulit-ulitin ko na lang o lalagyan ng variation, like head turn o hand shakes ganyan, para mukang komplikado.

Naniniwala kasi akong pinapaboran ng swerte yung mga taong laging handa. In addition, naniniwala akong mas sinuswerte yung mga taong laging nagta-try at laging nangangarap. Paniniwala ko lang ‘yon. Di ko naman sinabing statistically o scientifically proven.

So right now, me kinakabisado akong kanta na pwede ring sayawin. Hindi s’ya VST & Co. Jusko naman. Di naman pwedeng puro pamvideoke na lang lagi yung kanta at performance ko. Dapat lumelevel up tayo. We need to always up our game. Natutunan ko ‘yan kay Arya Stark. Jk. I learned it by myself. Thank you very much. Anyway, inaaral ko nga ngayon yung kanta ng Walk the Moon, yung Shut Up and Dance. 

Alam mo ‘yon? May kutob akong one-hit wonder lang s’ya pero maganda naman. GMG.

After nito, aaralin ko ulit tumugtog ng gitara para lalo akong maging mabenta. Who knows? Baka maging singer-songwriter pa ako balang araw. It’s never too late to make dreams come true, right? Natutunan ko ‘yan kay Leonardo Da Vinci. Joke lang. I learned it from experience, the best teacher in the universe. Second only to me.