Alanganing oras

by Sankage Steno

Pinanood ko ulit yung S05E08 ng Game of Thrones, ta’s nakita ko na naman yung lider ng mga white walkers, yung bumuhay du’n sa mga namatay na wildlings. Naisip ko tuloy, pa’no kung ganun yung itsura ng nagpaparamdam sa ‘kin. Ano kayang magiging reaksyon ko?

Kapag kasi maliwanag, hindi talaga ako takot sa mga gano’n. Kapag madilim, mas takot ako kapag di pa sila nagpaparamdam. Mas nakakakaba kasi yung anticipation. E di ba nga nung niyugyog yung kama ko at nakita ko yung anino, hindi naman ako nagtitili. Ang initial reaction ko was to fight it. “Tarantado ka! Di mo ‘ko matatakot (kahit takot naman talaga ako)!

Ganyan.

I got balls, you know. At sobrang useful n’ya especially in times like this. Pero dahil anino nga lang yung nakita ko, hindi ako masyadong nagpadala sa takot. E pa’no nga kung katulad nung sa GoT? Sisigaw na siguro ako. I don’t know. Gusto ko pa ring labanan s’ya.

Of course I’m writing this to keep a record of my paranormal experiences, yung mga hindi madaling ipaliwanag. Kailangan ko ng concrete evidence. Kailangan ko ng patunay na totoong something is out there. Na totoong may buhay kahit namatay ka na. Kung makakakuha ako ng ebidensyang may life after death o may supernatural beings, for sure mag-iiba yung buhay ko (pati yung buhay ng ibang tao).

May mga nakaplano na ‘kong gawin kung sakaling maulit yung naranasan ko last week. Kung totoong I’m being oppressed by something, I’ll take that opportunity para patunayan yung existence nila. Kung puro kwento lang kasi, ako lang ang maniniwala. Ako lang ang makikinabang. Ako lang din yung mapapahamak. I won’t let this opportunity pass.

Ngayon pa ba kung kelan vulnerable na ‘ko sa mga paramdam? Oh yeah!

Ililista ko ngayon dito yung observations ko sa lahat ng mga paranormal activities na naranasan ko na, particularly yung similarities o pattern. Unang-una na d’yan yung oras kapag nagpaparamdam sila.

Alanganing oras – Unfair na tawaging witching hour yung hour kaya tawagin na lang nating ‘alanganing oras’. Ang normal na start nito ay pagpatak ng midnight, pero sa mga naranasan ko, mas madalas na nagpaparamdam sila between 2AM and 5AM. Hindi pa ‘ko nakakita sa umaga o hapon o gabi. Laging madaling-araw.

Panaginip – Nagsimula lahat ng paramdam sa ‘kin sa pamamagitan ng panaginip kaya hindi rin ako naniwala agad nung una. Malakas kasi imagination ko so inisip kong baka lahat e dala lang ng malikot kong pag-iisip. Until last Monday, yung nakita ko na s’ya mismo at naramdaman. Dun ako nag-decide na “seryosohin” ‘tong bagay na ‘to dahil baka naman me mapulot ako kahit konti.

Walang mukha – Ke puti pa ‘yan o itim na nilalang, lahat ng nagparamdam sa akin e pare-parehong walang mukha. Hindi ko alam kung ganito talaga sila sa kabilang mundo o kung hindi pa ‘ko ganun ka-sensitive para makita talaga yung tunay nilang itsura. For now, kuntento na ‘ko sa ganito. Baka naman atakihin ako sa puso kapag nakita ko yung mukha nila. Buti sana kung gwapo o maganda, keri lang.

Di inaasahan – Sa lahat ng pagkakataong may nagparamdam o nagpakita sa ‘kin, laging hindi ako handa sa kanila. Yung tipong, hindi ko naman sila iniisip bago matulog at hindi ko sila ine-expect na magpaparamdam. Laging gulatan. Wala akong kaalam-alam, andyan na s’ya bigla. Kapag inaasahan o iniisip ko silang magpaparamdam, saka naman hindi magpaparamdam.

Takot – Hindi mawawala ang pakiramdam na ito. Kadalasan kasi, kapag nawala na yung takot ko, dun na rin nawawala yung bigat sa dibdib, pati na rin yung pakiramdam ko na andyan lang sila sa paligid. Kapag nagising akong natatakot o kinakabahan for no apparent reason, ibig sabihin may kasama akong iba sa kwarto ko.

Ito lang yung similarities sa experiences ko so far. Me gagawin akong “experiment” in the coming days (or nights). Tapos ikukwento ko dito yung mga makakalap kong impormasyon. Wish me luck. A prayer won’t hurt either.