Tore ni Babel

by Sankage Steno

Magkaka-hydrocephalus na yata ako sa kaka-edit nitong article na galing sa Taiwan. E kasi ba naman, from Chinese characters, ginoogle translate lang s’ya. Tapos ngayon, kailangan kong ayusin yung English para magkaroon ng sense yung literal na pagsasalin sa kanya.

Pota. Sakit sa pilikmata.

Kung hindi lumobo ulo ko rito, baka tubuan ako ng tumor. Alin sa dalawa. Jusko. Alin ba mas masakit? Dun ako sa less painful. Mahina kasi tolerance ko sa physical pain e.

Ang mas malala pa nito, puyat ako dahil maaga akong lumuwas ng Maynila. Wala pang alas-tres kaninang madaling-araw, gising na ‘ko. So zombie mode ako ngayon sa office. Buti na lang maganda suot ko, hindi halatang undead ako ngayong araw. Mahirap na. Baka biglang me magsaboy sa ‘kin ng holy water.

For now, pahinga muna yung mga brain cells ko. Yes, pahinga talaga kahit nagsusulat ako rito. Nare-relax yung utak ko kapag nagba-blog. Para akong tumira ng jutes, ganyan. Naha-high ako. Pero not so high na hindi na maintindihan yung sinasabi ko. Nage-gets mo pa naman akodsahflsdk, di ba?

Bukas ko na lang itutuloy yung pag-aayos nitong pahirap na article. Tengene. Kung bakit naman kasi nagkaroon pa ng iba’t ibang language sa mundo. Pwede naman isa lang yung wika nating lahat. That way, mas magkakaintindihan tayo at baka less gulo o away. Mas mabilis din yung pasahan ng impormasyon. Saya, di ba?

Pero hinde. Kasalanan ‘to ng mga gumawa ng tore ni Babel e. Ayaw nga kasi ng diyos na maging kapantay natin s’ya at ayaw din n’yang maabot s’ya kaya, ayun, pinarusahan n’ya yung mga tao. Binigyan n’ya ng iba’t ibang lenggwahe. Ending, di sila nagkaintindihan. Di nila natapos yung tore.

Mautak din yung diyos e, in fairness.

Feeling ko tuloy hanggang ngayon pinaparusahan pa rin ako ng diyos dahil sa article na ‘to. Ano bang ginawa ko? Di ko naman ginustong magtayo ng tore o maging kapantay ang diyos. Uno Stacko nga hindi ko mapataas hanggang bewang ko e. Bakit kailangan kong pagdusahan ‘tong language barrier? Baket?!

Okey, ang O.A. ko na. Andami ko nang nasabi porke nahihirapan ako sa tarbaho ko. E ikaw kaya? Try mo. Alam mo ba kung ga’no s’ya kahirap? Para kang tumatae nang sobrang laki, tapos constipated ka pa. Ganun. Pero mas mahirap pa rin yung nanganganak. Di ko pa na-try manganak pero I’m sure sobrang sakit no’n.

Labyu, ma.