Kelan ka huling naligo sa ulan?

by Sankage Steno

Solong-solo ko yung Track 30th sa BGC nung isang gabi last week. After ko kasing magtarbaho, pahinga lang ako saglit sa bahay, tapos palit ng damit at sugod na dun sa Global City para magtatakbo at maglakad-lakad. E umulan. Ayun, basang sisiw ang peg ko. Pero hot pa rin naman ako, in fairness.

First time kong nasolo yung park na ‘yon. Ansaya pala. Ako lang yung tumatakbong mag-isa habang umaambon. Tapos nung lumakas s’ya at tuluyan nang bumuhos yung ulan, nag-moment ako sa may damuhan. Tumayo ako sa gitna at tumingala. Syempre nakapikit ako, ‘no. Ayun, ep na ep ko yung pagpatak ng tubig sa aking mukha.

Di halatang umiiyak na rin ako. Charot.

Hindi ako umiyak, gago. Feeling mo naman puro ka-emohan lang laman ng puso ko. Naligo lang ako sa ulan. Masama ba ‘yon? Ikaw, kelan ka huling naligo sa ulan? Sige nga, sabihin mo. Nag-enjoy ka ba? Take note: Dapat ikaw mismo yung nag-decide na maligo sa ulan, hindi yung naabutan ka lang sa daan at wala kang dalang payong. Magkaiba effect nun sa mood mo.

I think before this, huli ko pang ligo sa ulan e nung libing ni Cory Aquino. Biglaan lang din ‘yon. Papasok dapat ako sa tarbaho, e nadala ako sa moment nung event na ‘yon. Ayun, sumama na ‘ko sa bonggang-bonggang cortege. Sobrang daming tao, as in. Isa sa favorite parts ko dun e yung naligo ako sa ulan. Di na ‘ko humanap ng masisilungan. Ligo na talaga.

Nung bata naman ako, pahirapan sa paghingi ng permiso sa bahay para makaligo sa ulan. Pero nung minsang pinayagan kami, aba, sugod mga kapatid! Lahat kaming magkakapatid at magpipinsan, pati yung mga kalaro naming kapitbahay, naligo lahat sa ulan. Tumatapat pa kami sa waterfall, aka, alulod ng bahay. Ngayon ko lang naisip na kadiri pala s’ya.

Saya, pramis.

Kaya nga excited na naman ako ngayong tag-ulan e. Mamaya, pagkauwi ko, magjo-jogging ulit ako. Sana umulan. Makulimlim na so most likely bubuhos ‘to mamaya. Buti nga hindi ako nagkakasakit e. I mean, okey lang naman kung lagnatin ako o sipunin. Makaka-absent ako sa work. Tapos sa bahay lang ako. Matutulog buong araw, ta’s babangon lang ‘pag kakain o iihi. Yey!

Enjoy maligo sa ulan mag-isa. Ansarap talagang mag-moment. Pero feeling ko mas masaya kung me kasama ako. Parang mga bata ulit kami, careless and free.

Taralets! Gawin natin ‘tong nasa picture sa baba: