How to write a resignation letter

by Sankage Steno

Si J3J3M4R B!N@Y lang pala yung makakapagturo sa ‘kin ng da best way para magsulat ng resignation letter. Pota. Lagi kaya akong naggu-google ng template o samples tuwing magpapasya akong mag-resign sa tarbaho ko. Andami-dami kong eklat sa letter, pwede naman palang one sentence lang. Susme.

Exhibit A:

Andaming white space. Kalurks! Ako pa naman e naririndi kapag masyadong maraming puti sa papel ko. Parang gusto kong sulatan nang sulatan para magkalaman. Well, dala siguro ng training ko nung college. Ta’s malalaman kong di naman pala masama yung halos blankong papel kapag gumagawa ng resignation letter.

Mismong ang pangalawang pangulo na ang nagpatunay.

Teka, nababasa mo ba yung nakasulat sa letter ni B!N@Y? Ampangit kasi ng kuha ng GMA News d’yan e. Halatang nagmamadaling mauna sa pag-post sa Internet yung reporter. Of course, real time ang labanan kaya di mo rin s’ya masisisi. So let me just quote our first black vice president sa kanyang sinulat:

I hereby tender my irrevocable resignation as member of the Cabinet effective immediately.

Wow ha. Privilege ba ‘to ng mataas na pinuno? Ako kasi, kapag nagsusulat ng resignation letter, medyo malungkot at nanghihinayang yung tone, na para bang gumagawa ako ng isang maling desisyon. Hindi gaya nitong ke J3J3M4R na parang mapagmataas at walang pag-aalinlangan.

Pansinin mo naman, effective immediately. E di kaya pwede ‘yan sa corporate world. Dapat me 30 days na palugit yung HR para makahanap ng kapalit mo dun sa mababakanteng pwesto. Hindi ka pwedeng umalis na lang bukas na bukas din sa pinagtatrabahuhan mo. Asshole.

Saka kapag nagsisimula ako ng resignation letter, madalas ganito: “I regret to inform you that I will resign from my position…” o kaya naman “I am writing this letter to tender my resignation…” Pa-humble effect, gano’n. You don’t burn bridges, teh. Sunog na nga balat mo, manununog ka pa ng tulay? Double burn! ‘Wag gano’n. Ang racist ko, shet. Sorry na.

Eto pa, wala man lang binigay na dahilan kung ba’t s’ya aalis na lang nang biglaan (although alam na naman natin talaga kung bakit dahil sa mga balita sa kanya). Kahit vague o generalized na reason, wala. Kung ako yung employer o yung HR, mao-offend ako. Nganga, ganyan.

Samantalang ‘pag nagsusulat ako ng reason ko sa pagre-resign, me green pasture-green pasture pa ‘kong nalalaman.

I am leaving the company for greener pastures blah blah blah…

So clichéd! Kakasuka. Pwede naman palang pa-mysterious na lang yung dahilan. Walang kahit anong pasabi. Wala ring exit interview. Di ko na kailangang magsabi ng white lie kahit totoo namang inofferan ako ng malaking pera sa ibang kumpanya o kaya e dahil ayoko na talaga sa hinayupak kong boss. Shut up na lang, gano’n.

Sana noon pa nag-resign si J3J3M4R sa gabinete. Sayang talaga. Andami kong nasayang na salita at effort. Nagsinungaling pa ‘ko para lang hindi makasakit ng employer o boss. Leche. Now I know better. Isang pangungusap lang pala, swak na.

Pak! Gano’n.