Bahaghari

by Sankage Steno

I love America! For all its faults, mahal ko ang U.S. ngayon. Sorry, China. Sorry, North Korea. Kapag pwede na yung same-sex marriage sa bansa n’yo, mamahalin ko na rin kayo. But that does not mean na hindi ko mahal ang Pilipinas dahil hindi pa pwedeng magpakasal dito yung mga gays and lesbians. Syempre labs na labs ko pa rin ang Pinas.

And I think dapat ngayon natin pairalin yung colonial mentality natin. Tutal naman at gaya-gaya tayo sa Amerika at gustung-gusto natin ang kahit anong galing sa kanluran, gayahin at gustuhin na rin natin ang same-sex marriage. Wala naman kasi talagang masama, sa totoo lang.

Tignan mo, nung naging legal na sa buong U.S. yung same-sex marriage, me nangyari bang masama? Sabi nga ng isa kong friend sa Facebook, umulan ba ng tipak-tipak na yelo? Lumindol ba? Bumuka ba yung lupa at nilamon yung mga bakla? Bumuhos din ba yung apoy mula sa kalangitan? Hinde. Me naging asin ba? Me tinamaan ba ng kidlat? Wala.

Minsan talaga mapapaisip ka kung kalokohan lang ba yung ibang kwento sa bibliya e.

Sabi pa ng isa kong kaibigan sa FB, hindi nga perpekto ang Amerika at marami itong kapintasan at kasalanan, pero alam nila kung pa’no sumulong bilang isang lipunan. Social progress, ika nga. Hindi lang basta economic o technological progress ang pinag-iigi nila. Kung totoong me colonial mentality tayong mga Pilipino, I think we should use it now. Sa mga ganitong aspeto dapat tayo nanggagaya, in my not-so-humble opinion lang naman.

Alam n’yo kasi, kayong mga sarado ang isip, dapat nilalagay n’yo yung sarili n’yo sa kalagayan ng mga LGBTQ. O kahit ‘wag na. Kahit sa sariling sitwasyon mo na lang ngayon. Pa’no kung yung mahal mo e hindi mo pwedeng pakasalan? Fine, sabihin na nating wala sa plano mo ang magpakasal ever. Pa’no kung yung isang bagay na ine-enjoy ng maraming tao e hindi mo pwedeng ma-enjoy? Ang sakit, di ba? Ang saklap.

Analogy: Lahat ng tao sa bahay n’yo pwedeng gumamit ng aircon, pero ikaw lang ang hindi pwede kasi sabi sa isang libro kasalanan daw sa tulad mo yung mag-aircon. Kainis lang yung example ko. Sorry, ang init kasi dito ngayon sa kwarto ko. Eto na lang: What if lahat ng kaibigan mo e nag-outing, tapos ikaw lang yung hindi sinama kasi sabi sa kautusan nila, bawal ka daw maging masaya at mag-enjoy.

Gets mo naman yung point ko, di ba? Pinababaw ko na kasi marami talagang mababaw lang mag-isip. Ako rin minsan ganon.

Kaya nga nakakatuwa na puro rainbow yung feed ko sa FB. Akalain mong premonition pala yung pagkakakita ko ng dalawang rainbows nu’ng isang araw after ng ulan. Yes, Suggestibility Effect. Pagbigyan. Ngayon lang naman. Dahil d’yan, papalitan ko na yung cover photo ko ng bahaghari. Pati nga rito sa WordPress e, me nakalagay na rainbow sa taas. Eto tignan mo pa:

Rainbow

Lastly, gusto lang kitang tanungin. Bakit ka ba magpapakasal sa isang tao? Dahil sa pera? Dahil sa pulitika? Dahil sa pamilya? O dahil sa pag-ibig? Kahit ano pang dahilan mo, hindi ka dapat pigilan ng kahit na sino na pakasalan yung taong ‘yan. At para sa maraming Kristiyano sa bansang ‘to, ano nga ulit yung turo ng diyos n’yo? Bakit dapat kayong magpakasal?

Kasi mahal n’yo ang isa’t isa.

P.S.
Mahirap bang intindihin ‘yon?