Patayin ang mga makasalanan

by Sankage Steno

Nakausap ko si Pareng Moises nung isang araw, at nalulungkot s’ya kasi hindi na raw sinusunod ng maraming tao ngayon yung mga utos ng diyos na pinahayag n’ya noon. Nangunguna na nga raw d’yan yung sinulat n’ya sa Leviticus 20.

Leviticus 20:13

If a man lies with a man as one lies with a woman, both of them have done what is detestable. They must be put to death; their blood will be on their own heads.

O ayan. Malinaw daw na sinabi ng diyos na dapat patayin yung mga bakla. Bakit daw di na natin pinapatay yung mga bakla ngayon? Sa Middle East at Africa na lang daw s’ya applicable. Sobra na raw nade-depress si God dahil sa pagsuway nating mga tao.

So tinanong ko si Pareng Moises kung anu-ano pang mga batas ng diyos ang gusto n’yang maibalik at maipatupad muli. Inisa-isa n’ya sa ‘kin, ta’s inutusan n’ya ‘kong i-blog ko raw kasi marami raw nagbabasa nung mga sinusulat ko rito. Umaasa raw s’ya na muli ngang paiiralin yung mga utos na ‘to.

Deuteronomy 22:28-29

If a man happens to meet a virgin who is not pledged to be married and rapes her and they are discovered, he shall pay her father fifty shekels of silver. He must marry the young woman, for he has violated her. He can never divorce her as long as he lives.

Sabi ni Pareng Moises, ba’t daw hindi na pinapakasalan ng rapist yung babaeng ni-rape n’ya e ang linaw-linaw daw nung pagkakasulat sa Deuteronomy? Eto pa, bawal daw i-divorce ng rapist yung babae forevermore. So may forever nga.

Leviticus 20:18

If a man lies with a woman during her monthly period and has sexual relations with her, he has exposed the source of her flow, and she has also uncovered it. Both of them must be cut off from their people.

Ayan. Bawal daw kasing makipag-sex sa babae ‘pag nireregla. E marami pa rin daw gumagawa n’yan ngayon. Napapanood daw ni Pareng Moises mula sa langit yung mga nagkakantutan kahit may period. Diring-diri raw s’ya kasi kahit dinudugo yung babae, tira pa rin nang tira. Dapat daw pinapatapon yung mga magsyota o mag-asawang gumagawa no’n.

Colossians 3:18

Wives, submit yourselves to your husbands, as is fitting in the Lord.

Meron din daw pinapasabi si St. Paul kay Pareng Moises. Bakit daw marami nang babae ngayon ang kapantay na ng kanilang mga asawa? Ba’t daw hindi na sila submissive sa mga lalaki? At ba’t daw pinapayagan na silang bumoto o mag-drive ngayon? Kasalanang malaki raw ‘yon sa diyos. Bilang unang nagpatukso kay Satanas, dapat daw forever na maging sunud-sunuran ang mga babae sa mga lalake.

Deuteronomy 22:5

A woman must not wear men’s clothing, nor a man wear women’s clothing, for the Lord your God detests anyone who does this.

Eto pa. Sabi ni Pareng Moises, dapat daw yung mga babae e hindi nagsusuot ng damit na panlalaki. O yung mga lalake e magsuot ng damit-pambabae. Kasuklam-suklam daw ‘yon sa diyos na s’yang unang fashion designer sa universe. Wala raw sa designs n’ya na magpalitan ng damit yung mga babae’t lalaki. Abomination!

Leviticus 20:10

If a man commits adultery with another man’s wife–with the wife of his neighbor–both the adulterer and the adulteress must be put to death.

Malinaw ‘yan ha? Dapat daw patayin yung mga nangangaliwa. Bakit daw sa dinami-rami ng mga nanloloko sa kanilang mga asawa e nakukuha pa silang i-tolerate o patawarin? Hindi mo daw dapat i-divorce yung nangangaliwa mong asawa, kasi sabi ng diyos, patayin mo daw s’ya pati yung kabit n’ya. Patayin!

Malinaw naman yung mga utos ng diyos, di ba? Lahat ng sumusuway, dapat pinapalayas o kaya e pinapatay. ‘Yan po ang kagustuhan ng ating panginoon. Kulang na raw ng pagdanak ng dugo sa mundo. Buti pa raw yung ISIS, talagang pinaglalaban yung mga ganitong kautusan. Sila raw yung unang makakapasok sa kaharian. At dapat daw natin silang tularan.