My Breakup Playlist

by Sankage Steno

Hindi ko pa napapanood pero baka panoorin ko mamaya after work sa Greenbelt 1. Kitakits! Fan kasi ako ni Papa P dahil magaling s’yang aktor at fan ako ni Sarah G dahil gusto ko yung Ikot-Ikot pati yung ugali n’ya.

Anyway, hindi naman talaga sila o yung movie nila (The Breakup Playlistyung gusto kong isulat. Gusto ko lang isulat dito yung playlist ko kapag nakikipag-break. Rather, kapag pinaasa ako o niloko na ng mga hulog-ng-langit na nilalang. (Kaya pala hinulog ng langit.)

Of course, given na yung Ikot-Ikot at yung Oo ng Up Dharma Down. E unang bagsak pa lang ng nota, alam mo nang tagos sa puso. Lalo na kapag inintindi mo talaga yung lyrics, patay na. So I’ll just mention yung iba kong gustong kanta na baka hindi mo naisip na pwede palang pakinggan kapag brokenhearted man ka (o woman).

Unwritten

Kinanta ni Natasha Bedingfield. Ginamit din ‘to sa commercial ng isang shampoo (Pantene yata). Gusto ko yung beat at yung lyrics nito; sobrang positive kasi. At nakaka-relate ako talaga dahil nagsusulat din ako ng “libro” o kwento. Iniisip ko na lang na yung tagpong ‘to sa buhay ko e isang magandang chapter sa nobela ng buhay ko. Naks. Cheesy. Pweh!

Favorite lines:

Drench yourself with words unspoken.
Live you life with arms wide open.
Today is where your book begins.
The rest is still unwritten.

Ohayou

Kinanta ng Japanese band na Keno at ginamit na opening theme song sa anime na Hunter x Hunter. In English, it means “Morning” o “Good morning.” Kapag napapakinggan ko ‘to, gumaganda araw ko. Nakakatanggal ng lungkot at stress. Pero ‘pag depressed ka, syempre hindi ganun yung effect n’ya. Konti lang. Pero at least nakakapagbigay ng konting positivity.

Favorite lines:

Mata “ohayou” tte itte mata yume o misete
Kyou mo genki de sugosetara ii yo ne
Konna ni tanjun de atarimae na koto ga hontou wa
Ichiban miushinaigachi dakara ne

(I tell you “good morning” again, and I fall into a dream
It’ll be great if we could spend the day happily
The simple and obvious things like these are the easiest to
lose track of)

Uptown Funk

Kanta ni Mark Ronson pero si Bruno Mars talaga yung kumanta. Hello? ‘Pag naman di ka pa napasaya ng kantang ‘to, ewan ko na lang sa ‘yo. Ang swabe at ang angas lang kasi ng lyrics nito, tapos super saya pa ng melody. Parang gusto mong sabihin sa ex mo na: “It’s your loss. I could find another you in a minute.”

Favorite lines:

Uptown Funk you up, Uptown Funk you up
Uptown Funk you up, Uptown Funk you up

Shut Up and Dance

Walk the Moon yung kumanta. May pagka-80s vibe yung song na ‘to, pati yung video at me kutob din akong one-hit wonder lang s’ya. Pero who cares? Ang saya at sobrang nakakaindak ‘tong kantang ‘to. E kapag sumasayaw pa naman ako, talagang biglang sumisigla yung pakiramdam ko. Idagdag mo pa yung lyrics na me magandang kwento. Ansarap i-play sa utak yung scene.

Favorite lines:

We were victims of the night,
The chemical, physical kryptonite
Helpless to the bass and faded light
Oh we were bound to get together,
Bound to get together.

1901

Phoenix, na isang Indie band (yata), ang kumanta. Medyo Beatles yung tunog nila for me. Hindi pa malinaw sa ‘kin hanggang ngayon yung meaning ng lyrics nito, pero gusto ko s’ya kasi upbeat at alam kong kailangan ko s’yang i-work out sa tenga at sa utak ko. Saka feeling ko bagay s’yang patugtugin sa joy ride, lalo na kung naka-top down ka. Happiness!

Favorite lines:

Counting all different ideas drifting away
Past and present, they don’t matter.
Now the future’s sorted out

‘Yan lang muna. Ang haba na pala nito. Sige.