Anong gusali ang susunod na masusunog sa UP?

by Sankage Steno

Oy, pustahan tayo. Hulaan natin kung anong building yung susunod na susunugin/masusunog sa UP Diliman. Nakadalawang sunod na kasi sila in a month’s time. Una yung CASAA Food Center tapos sunod naman yung Alumni Center (yung me duckpin bowling) nung isang araw.

Ang tanong ngayon, read title.

Mukang me trend sa nangyayaring sunog sa loob ng campus e. Parang ang pinupuntirya lang ng apoy e yung mga lumang gusali. So following this pattern, hindi malayong ang susunod na masusunog e isa pa ring lumang building. Meron akong tatlo o apat na naiisip.

Ang top choice ko sa susunod na masusunog e yung Shopping Center. Alam ko matagal nang pinupuntirya ‘yon ng mga nakapangyayaring nilalang e, so hindi na ‘ko magugulat kung yun nga ang susunod na susunugin/masusunog.

Pangalawa e yung Vinzon’s Hall. I know masyado s’yang malaki para sunugin nang di halata o di sadya kunwari, pero it’s still a possibility. Ang nakakatakot pa rito, baka me mga mabiktimang students kapag nangyari yung sunog. Well, hula lang naman.

Pangatlo yung UP Vanguard. Wala lang. Pumasok lang s’ya sa isip ko. Para kasing napapaglipasan na rin s’ya ng panahon at medyo tago pa yung lugar so madaling targetin at sunugin. Kawawa nga lang yung mga multo dun. Mawawalan sila ng tirahan.

Yung pang-apat ko e mukhang malabo pero isasama ko na rin. Ito ay ang Kalayaan Residence Hall. Ewan. Malakas ang kutob kong masusunog din s’ya someday. Sana lang walang tao sa loob, although parang malabong mangyari ‘yon.

Anyway, ang boto ko e yung Shopping Center. Kapag nasunog nga s’ya within six months o within 2015, panalo ako. Bragging rights lang, ganyan. Kapag namali naman ako ng hula o kaya e wala nang nasunog na building until January 1, 2016, talo ako. Manlilibre ako sa Rodics o sa isawan ni Mang Larry o pareho. Ang ililibre ko lang e yung makikipagpustahan sa ‘kin.

Ano, game ka? Comment mo lang yung choice mong building other than SC. Pwede rin yung mga nabanggit ko na sa taas. You got nothing to lose. Pwedeng sumali yung hindi taga-UP basta familiar kayo sa Diliman campus o nakapunta na kayo dun kahit once lang. Otherwise, salingpusa ka lang.

P.S.
Salamat sa mga officemates ko na naging topic ‘to nung isang araw habang nakatambay kami sa 7Eleven.