Great clown Pagliacci

by Sankage Steno

Kilala mo ba si Pagliacci? Hinde? Continue reading para madagdagan yung kaalaman mo. Baka matanong s’ya sa quiz bee o sa isang game show na sasalihan mo at manalo ka pa. The more you know…

But before I introduce Pagliacci, let me first tell you an anecdote.

Tanghaling-tapat. 8th birthday ko. May handaan sa bahay. Maraming bata. Marami ring matatanda. Lahat masaya at nagkakagulo sa pagkain, laro, alak, laruan at magic. Oo, me magic. Yun ang naaalala ko.

Nagkumpulan kaming mga bata (kaibigan, kapatid, pinsan, anak-ng-kumpare/kumare) sa garahe. Meron kasing kinuhang mga payaso si papa, Puruntong Clowns kung di ako nagkakamali. Sobrang makulay nung suot nila mula wig hanggang dambuhalang sapatos, at ang kapal-kapal ng make-up nila sa mukha.

Tumatak sa ‘kin yung make-up. Ganito kasi ‘yon. Habang nagma-magic yung dalawang payaso, naghihiyawan at nagpapalakpakan yung mga bata. Hindi ako kasama. Hindi ako nae-entertain, pramis. Pero hindi ako KJ. Hindi ko talaga matandaang natuwa ako sa show na ‘yon.

Habang nagkakagulo sa saya yung mga bata, syempre, hindi maiiwasan yung mga nasobrahan sa chocolate at candy, yung mga hyperactive, yung mga mahaharot. Nakita ko na lang yung isang bata (pinsan ko yata) na pumunta sa harap at nakisali sa performance ng mga payaso. Nakigulo s’ya, nagtatawa dun at inasar-asar yung dalawa.

I swear, tandang-tanda ko yung itsura nung isang payaso. Sa kapal ng make-up n’ya sa mukha, lalo na yung sa palibot ng bibig na pulang-pula at naka-smile pa yung kurba, imposibleng hindi ko mapansin yung inis o galit n’ya. Ang weird, kasi kung anong ikinangiti nung make-up n’ya sa bibig, e s’ya namang simangot ng kanyang mga labi.

Oxymoron.

Nakatawa yung payaso, pero nakasimangot yung tao. Lalo akong nawalan ng gana sa palabas. Nagpatuloy pa rin yung magic at mga lobo at confetti, pati yung tawanan at hiyawan ng mga bata, pero ako at yung mga payaso, nagpapanggap na lang na natutuwa sa nangyayari.

Fast-forward to today.

Lunes. Umuulan. Agad kong naalala yung kanta ng The Carpenters, yung Rainy Days and Mondays. So kinanta ko s’ya habang papasok sa office, tapos pinatugtog ko sa YouTube, at narinig ko yung linya sa pangalawang stanza:

Walkin’ around
Some kind of lonely clown
Rainy days and Mondays always get me down

Dun ko naalala yung tagpo sa kabataan kong kinwento ko sa taas. Dun ko rin naalala si Pagliacci sa graphic novel ni Alan Moore, yung Watchmen. Hindi s’ya character dun, pero nabanggit s’ya sa joke ng bida sa kwento, si Rorschach. Sabi n’ya:

Heard joke once:

Man goes to doctor. Says he’s depressed. Says life seems harsh and cruel. Says he feels all alone in a threatening world where what lies ahead is vague and uncertain.

Doctor says, “Treatment is simple. Great clown Pagliacci is in town tonight. Go and see him. That should pick you up.”

Man bursts into tears. Says, “But doctor…I am Pagliacci.”

Para sa mga nalulungkot ngayong araw, you’re not alone.