Pakiayos nga po yung SSS website

by Sankage Steno

Sino bang namamahala ng SSS website? Bakit ilang buwan nang sira? Nagamit ko pa s’ya last November, pero after that, inayos nila o parang re-design, pero nawala yung mga functions n’ya. “Gumanda” (Pangit pa rin s’ya pero better than before.) lang yung itsura pero lalong nawalan ng silbi.

Gusto ko kasing malaman kung naghuhulog ba yung employer ko nang tama at kung nababayaran talaga yung SSS contributions ko, e kaso di ko na ma-check ngayon sa website nila. Pinalipas ko yung ilang buwan kasi nga under construction s’ya, pero ngayong “tapos” na yata s’ya, di ko naman magamit nang matino.

Anyare?

Hindi ko rin tuloy alam kung pwede na ‘kong mag-loan. Ayoko namang pumunta sa branch nila dahil dun ako naka-register sa probinsya, saka may pasok ako araw-araw. Ano, aabsent pa ‘ko para lang malaman kung eligible ako? E pa’no kung di pala? Buti sana kung bukas sila ng Sabado o Linggo. Government agency pa ‘to, kaya asa. #Nganga

Isa pang nakakainis e yung may expiration date yung password nila. E nauubusan na kaya ako ng unique password. Tapos ‘pag naman nag-log in ako, di ko rin naman magamit yung website nila. Para sa’n pa’t ginawa nila ‘yon? Masabi lang, ganon? Kunwari hi-tech na, modern, progressive, ganyan. Pucha.

Di ba si De Quiros yung head n’yan? Hi, De Quiros, kumusta na po yung kapatid n’yo, si Conrado? Di ko na po s’ya nababasa sa Inquirer. Magaling na po ba s’ya? Ano na pong balita sa kanya? Maiba po ako. Ano na pong nangyari sa website ng SSS? Ang ayos-ayos naman po n’ya dati. Pangit yung itsura pero nagagamit ko naman. Ngayon, gumanda nga, wala namang silbi. WTF?

Nag-email na rin po pala ako sa inyo. Sana po ay gumagana ang inyong email address (member_relations@sss.gov.ph). Ang subject po ng aking email ay “SSS Website: Is it still under construction?” para po malaman ninyong sa akin galing iyon. Sana po sumagot kayo.

Dear reader, try mo nga. Baka naman blacklisted lang ako kaya di ko ma-access. Baka nakulitan na sa ‘kin dahil lagi kong chinecheck kung gumagana na. Baka paraan nila yon para patahimikin yung mga progresibong mag-isip at kinukwestyon ang sistemang panlipunan. Please lang, do me a favor and check it out. And please tell me I’m wrong. Na gumagana s’ya at sa ‘kin lang hinde.

Here’s the link again kung di mo napansin sa taas kanina.

Pakisabi na lang sa comment kung nakapasok ka at nakagamit ng services nila. Kahit mag-inquire ka lang sa contributions mo o tignan kung pwede kang mag-loan o i-check kung nakakabayad ka sa ni-loan mo dati. Basta pakitignan kung may aberya talaga. Ayoko namang magmukang tanga dito na kuda nang kuda, gumagana naman pala.

Jusme.

Mahal ko ang Pilipinas! <Say this to self each time you get disappointed with your government>