Paminion

by Sankage Steno

Kung merong mga pabebe girls na nakakatawang panoorin pero nakakainis sa totoong buhay, lalo na kung kakilala mo sila (I doubt kung magiging kaibigan mo sila), meron din syempreng mga paminion.

Hindi sila yung mga dilaw na nincompoops na naka-blue na jumper at sa sobrang cute ansarap nang sipain. No. Hindi sila yung tinutukoy ko. Ang sinasabi kong mga paminion e yung mga baklang “confused” daw pero panay ang landi sa kung kani-kaninong lalaki at kapwa bakla.

Karamihan sa kanila e cute din naman, me itsura at sa unang tingin e hindi mo pag-iisipang bakla pala. Straight-acting kumbaga. Lalake kung manamit at kumilos, pati na rin siguro sa pananalita. Not your typical parloristang bakla, ika nga. Take note: I have nothing against them.

Ang mga paminion ay hindi out. Meaning, hindi pa nila tanggap sa sarili nilang bakla sila dahil sa napakaraming dahilan. Pwedeng natatakot ma-judge o ma-discriminate. Natatakot mabugbog o mapagtawanan o mapahiya. Natatakot sa drama and all. Basta marami silang kinatatakutan. Hindi ako naniniwala, pero marami daw sa kanilang ayaw mag-out dahil komportable sila sa loob ng kloseta. Oh well, it’s their choice naman.

Ang nakakainis lang sa mga paminion, kine-claim nila na confused sila sa kanilang sexual preference, when in fact ang gusto talaga nilang sabihin ay “in denial” sila. ‘Wag po nating paghaluin yung dalawa. Hindi po synonym ng confused ang in denial. Magkaibang-magkaiba po sila. Kere?

Paano ka naman magiging confused kung nakikipagkindatan at nakikipagngitian ka nang may kahulugan sa kapwa mo lalake/bakla? Makikipag-close ka, makikipaglandian, tapos kapag lumalim na, sasabihin mo, hindi ka bakla? Rather, gagawin mo na lang awkward yung sitwasyon.

Marami akong kilalang paminion na confused daw pero me ka-live-in na lalake o jowa-jowaan. Meron din namang nagge-girlfriend pa para pagtakpan yung kabaklaan nila. Marami silang technique para paigtingin yung paniniwala nilang confused sila. Pero ang totoo, in denial nga.

Naiintindihan ko naman yung pinanggagalingan ng mga paminion. And I’m not saying na masasama silang mga tao. Ang siste lang, dahil sa pagbabalatkayo nila, nagmumukha silang kontrabida hindi lang sa ibang tao, kundi pati na rin sa mga sarili nila. Just my two cents. Buhay naman nila ‘yan. To each his/her own.

P.S.
Hindi ko rin pinipilit na mag-out ang mga paminion. Sila dapat sa sarili nila ang magpasya kung kelan ang tamang panahon. Ang akin lang, ‘wag n’yo abusuhin ‘yung word na ‘confused.’ I can’t think of an alternative word, so “shut up” na lang.