C4n 2 T@n

by Sankage Steno

Lumapit sa ‘kin yung inaanak kong wala pang sampung taong gulang, ta’s tinanong n’ya ‘ko, “Ninong, sa’n ba ‘ko galeng?”

“Sa matris ng mama mo,” sagot ko.

Lalong dumami yung tanong n’ya, “Sa mattress? E pa’no ako napunta do’n?”

“Nagkantutan yung mama at papa mo kaya ka napunta do’n.”

Lumawak yung ngiti ng inaanak ko, “Ahh. Ganun pala. Ngayon maliwanag na.”

“Ok, go play with your machete na. Don’t bother me anymore, I’m writing my masterpiece.”

“Yes, ninong. Thank you!”

Dear reader, alam mo na naman siguro kung alin d’yan sa usapan namin yung totoo at hindi totoo, di ba? For real lahat. Kelan ba ‘ko nagsinungaling sa ‘yo o gumawa ng kwento-kwento lang dito, aber?

Naisip ko tuloy kung bakit ganon na lamang kasama ang pagtingin sa sex ng halos lahat ng relihiyon sa mundo. Napakadaming bawal pagdating sa pakikipagtalik, pakikipagniig, paghihindutan, atbp. samantalang lahat naman tayo e nabuo dahil sa pagkakantutan ng mga magulang natin. Lahat ng taong nabuhay sa mundo, bunga ng pagkakantutan. At lahat ng tao pang darating sa mundong ito, ganun din, mabubuo rin dahil sa pagkakantutan.

Kung sa kantutan tayo nabuong mga tao, bakit ang dumi ng tingin ng mga relihiyon sa sex? Ibig sabihin ba bunga tayo ng kasamaan? I don’t think so.

Syempre, naghanap ako ng sagot sa sarili kong tanong. Sa’n nga ba nagsimula yung ganitong perception ng mga tao sa sex? Hindi nasagot ng Bible dahil medyo late na itong naisulat kumpara sa ibang banal na kasulatan, pero alam naman nating lahat na Bible ang nagpalaganap ng ganitong paniniwala tungkol sa sex. Na halos lahat e bawal o masama unless nasa loob ng kasal (isang ritwal na nauna pa sa Bible) at para sa procreation (as if walang nagse-sex for pleasure).

Yung sagot na nabasa ko e nakuha ko sa Rites of Pleasure: Sexuality in Wicca and NeoPaganism ni Jennifer Hunter. Bago n’yo ‘ko tuligsain at ipatapon sa impyerno (na hindi ko naman pinaniniwalaan dahil napakababaw at hindi original), basahin n’yo muna yung isang possible origin ng “Sex is dirty” ideology:

It goes back to the Zoroastrians (starting in 1500 to 1000 BCE), who first imagined the duality of good versus evil, which got picked up by the ancient Greeks, who took it further to imply that the physical was somehow lesser than the spiritual. Of course, it was Christianity that most effectively promoted that belief system.

Wala akong alam masyado sa mga Zoroasters. Si Zoro lang sa UP yung pinakamalapit na kakilala ko sa kanila. Pero kung totoong sila yung nagpasimula ng ideya ng mabuti laban sa masama, sila rin yung dapat sisihin kung bakit naging black and white na lang ang pagtingin ng mga tao sa mundo, maging sa sexuality.

Hindi ko rin naman lubos na masisi yung mga sinaunang taong ire at maging yung mga tao sa kasalukuyan kung bakit marami sa kanila ang naniniwala sa dualism. Na kesyo lahat ng bagay ay pwede mo lang hatiin sa dalawa: umaga at gabi, mabuti at masama, taas at baba, kaliwa at kanan, etc. Me kinalaman din siguro sa ganitong paniniwala yung katawan natin.

Meron tayong dalawang mata, dalawang tenga, dalawang kamay, dalawang paa. Pares-pares ang maraming parte ng ating katawan, kaya napakadaling maniwala na ang lahat ng bagay sa mundo e nahahati lang sa dalawa.

Sa kasamaang palad, yung sex e napunta sa “dark side.”

Na hindi naman dapat ganon dahil kung walang sex, wala rin tayo sa mundong ‘to. Ayoko namang isipin na sa masama o maduming gawain ako nagmula. Sex is a good thing whether or not it is used for procreation. Hindi ba natin pwedeng isipin na kaya siguro binigay ng diyos sa tao ang pagkakantutan e para ipalasa sa ‘tin ang langit dito sa lupa, o ang nirvana, o ang kaluwalhatian?

It’s a gift. At least that’s how I see it. Nasa tao na lang kung pa’no n’ya yun gagamitin.