Umm sarap

by Sankage Steno

Hindi rin ako nakapagpigil kanina, taragis. Nagparaya ako sa tawag ng katawan ko. Wala e, mahina ako just like everybody else. Rather, mahina na. Tinalikuran ko na ang pagiging malakas at perfect. Mas masarap kasing maging tao kesa maging diyos, which is why I stopped being a god.

Pagkatapos kong gawin yung the thing during office hours, bumaba ako para pagbigyan yung isa ko pang hilig. Pinausukan ko yung puno ng akasya malapit sa building namin. Rapsa talaga. Walang kaparis. Yung alam mong unti-unti mong pinapatay yung sarili mo pero okay lang kasi at least nag-enjoy ka sa buhay. Na ang paniwala mo, ke maging malinis ka o hindi, healthy or not, good or bad, mamamatay din tayong lahat sa huli.

I know it is nilistic and hedonistic pero who cares, di ba? With our limited capacities as humans, and with our fleeting existence in nature, we are essentially dispensable. In other words, we are meaningless, pretty much like life. Nakukuha mo ba yung gusto kong sabihin?

With all your prejudices, biases and ideologies, syempre hinde. Hardly, pwede pa.

Pero okay lang din naman ‘yon. I don’t need your approval naman, the same way that you don’t need mine. Mabuhay na lang tayong nagkakasundo sa ating di pagkakasunduan. Gets? Ang saya lang ‘no? Iba-iba tayo ng paniniwala at disposisyon sa buhay pero iisa lang naman yung tinitirhan nating mundo. Isa lang yung chemical composition ng katawan natin. And of course, iisa lang din yung patutunguhan natin sa huli…

Death.

Pagkatapos kong magpausok kanina sa ilalim ng puno, kinain ko yung Butterball na nabili ko sa halagang piso. Ansarap din. Parang pinaglalaruan ng ibang tao yung ano ko. Ibang-iba yung tongue action e. Matindi talaga. Expert level. Never kong naranasan ‘to nung diyos pa ‘ko. Buti na lang talaga nagpakababa ako at nagkatawang-tao.

Me naalala ako bigla. Hindi ko sasabihin kung sino kasi patay na s’ya, pero malapit sa ‘kin yung taong ‘to.

Nung nag-aaral pa sa UST yung taong ito, lagi s’yang gutom. Hindi naman kasi sila mayaman at talagang ginagapang ng mga magulang n’ya yung pag-aaral nilang magkakapatid. Dahil madalas s’yang walang pera, hindi s’ya nakakakain ng lunch. Ang ginagawa n’ya, bumibili o humihingi lang s’ya ng candy. Stork, yung menthol. Yun madalas ang tanghalian n’ya. Kaya sobrang patpatin n’ya dati. As in mas payat pa sa ‘kin ngayon.

Hindi s’ya nakatapos sa college. Dala nga ng kakulangan ng pera. Pero don’t worry, nakahanap naman s’ya ng tarbaho. Laki nga ng sweldo n’ya e. Nakapagpatayo na s’ya ng bahay. Di na s’ya bumalik sa pag-aaral. Bakit pa? Me maganda na s’yang kita e. Masaya na s’ya dun.

Naalala ko s’ya dahil sa Butterball, na binili ko dahil sa pagpapausok, na ginawa ko para magpasarap lalo sa buhay. Yung taong ito, masasabing isa s’ya sa maraming sanhi kung bakit ganito ako mag-isip ngayon at kung bakit nakukuha kong magpakasarap lang sa buhay na parang wala akong problema at parang forever akong mabubuhay.

Bilang isang dating diyos, unti-unti ko nang pinaniniwalaan bilang bagong tao na ang talagang relihiyon ko (na wala ako talaga, I swear) or form of worship and spirituality, to be more precise and politically correct, is pleasure.