Pabebe INC.

by Sankage Steno

Angel Matalo: Hi! Ako po si Angel Matalo at kasama ko po ang aking ina na si Tenny Matalo. At kame ang Pabebe INC.

Tenny Matalo: Tama!

Angel: At walang makakapigil samen kung gusto nameng gumawa ng bidyo.

Tenny: Tama!

Angel: Nananawagan po kame sa inyong mga netizens dahil nasa panganib po ang aming buhay.

Tenny: Tama!

Angel: Pinili po naming humingi ng tulong sa inyo at hindi sa pulis dahil pabebe kame at wala kayong pake kung gusto nameng gumawa ng bidyo at i-upload sa YouTube para pagpiyestahan ng buong Internet.

Tenny: Tama!

Angel: Kung gusto n’yo, gumawa rin kayo ng sarili n’yong bidyo at sabihing nasa panganib din ang buhay n’yo para mabalita kayo sa Rappler at kung anik-anik pang social media. Palibhasa kase, may pambili kame ng HD camera at marami kameng time na mag-upload ng bidyo sa YouTube kahit pa napakabagal ng Internet sa Pilipinas at kahit pa nanganganib ang buhay namen.

Tenny: Tama!

Sankage Steno: Tama na po…

Angel: Manahimik ka!

Tenny: Tama!

Angel:  May banta sa buhay namen kaya gagawin namen kahit anong gusto namen. Marami din kameng pera. Yun nga lang, paubos na s’ya kase itinakwil na kame ng simbahan namen. Muka kasing pera si Kuya Ed Sheeran kaya we’re thinking out loud sa bidyo na ito.

Tenny: Tama!

Angel: May isa pa kaming panawagan. Kung nanonood ka, Bro. Eli Buendia, sana matulungan mo kame. Baka naman pwede mo kaming pautangin kahit pambayad lang sa jeepney, kulang pa ng dyis. Magda-drive ako kahit pa sa dating daan papunta sa tindahan ni Aling Nena para lang makautang ng perang pambili sa mukha mong maganda.

Tenny: Tama!

Angel: Sana po ay matulungan n’yo kame, mga netizens, Bro. Eli at lahat ng mga kapatid nameng pabebe sa pananampalataya. Ito lamang po at pagpalain nawa tayong lahat ni Pabebe Jesus.

Tenny: Tama!

Pabebe INC