Ang tahimik nila ngayon

by Sankage Steno

Nagtataka ako kung bakit hindi nagte-trend yung blog (Pabebe INC.) ko nung Huwebes, samantalang yung dati kong entry about INC (Tanga ka rin ba?), sugod mga kapatid agad ang drama ng mga kapwa nating kasapi ng Iglesia. Nasasaktan tuloy ang aking damdamin dahil wala akong natatanggap na paninira at death threats.

Hindi ito maaari!

Dahil na-break ang heart ko sa pang-ii-snub na ito ng mga kapatid nating nasa Iglesia, minabuti kong alamin kung bakit tahimik sila ngayon. Ginamit ko yung konti kong skills sa pakikipanayam at pagkuha ng impormasyon mula sa ilang miyembro nila. Hindi ko po sila papangalanan dahil baka i-hostage din sila ng mga nasa Sanggunian o kaya e baka itiwalag na rin sila sa Iglesia.

Ayaw ko namang mawalan sila ng miyembro dahil mawawalan din ako ng mga babatikusin dito sa blog ko. So sad.

Ang una kong nakapanayam ay si Sugo 1.

Sankage Steno: Bakit po wala akong naririnig na ingay mula sa inyong kulto, este, panig?

Sugo 1: Pinagbabawalan kaming magsalita ng mga ministro. ‘Wag mo ‘kong papangalanan ha? Ayokong madamay sa gulo nila.

SS: Di pa ba kayo damay n’yan? Yung perang inaambag n’yo sa simbahan, kinukurakot lang ng mga nasa taas ng tatsulok? Masahol pa sila sa networking.

S1: Ansakit mo namang magsalita. Kasali din kaya ako sa networking.

Yung pangalawa ko namang tinanong e tawagin na lang natin sa pangalang Anghelito.

SS: O, anong masasabi mo sa bidyo ni Angel Manalo? Ba’t parang tikom ang bibig n’yo ngayon?

Anghelito: Wala e. Labasan na ng baho. Alangan namang lalo pa kaming mag-ingay, e di lalong dumami bashers namin?

SS: So anong balak mo ngayon?

A: Ewan.

SS: Naniniwala ka ba sa mga bintang ni Angel?

A: Ewan.

SS: Me balak ka bang umalis na sa Iglesia?

A: Ewan.

SS: Magbibigay ka pa rin ng ikapu?

A: Me choice ba ako?

Yung pangatlo e tawagin natin sa pangalang Sugo 2. Hindi ko sasabihin kung related s’ya kay Sugo 1. Hindi talaga! Di mo ako mapapaamin.

SS: Ikaw naman. Bakit di n’yo ‘ko inaaway ngayon? Nasaan na yung angas ninyo? Di ba ayaw n’yong tinutuligsa kayo? Ba’t nabahag yata yung bayag n’yo ngayon? Ano? Ano? Namulat na ba kayo sa katotohanan?

Sugo 2: Tangina mo!

SS: Tangina mo rin.

S2: Baket? Perpekto ka ba? Perpekto ba relihiyon mo?

SS: You did not answer my questions, but let me answer yours. Oo, perpekto ako. Tanggapin mo na ang katotohanang ‘yon. The sooner, the better. At oo, perpekto rin ang religion ko dahil wala ako no’n. Matagal na ‘kong walang relihiyon.

S2: Ikaw na. No use arguing with the likes of you.

SS: Tama! At walang makakapigil saken!

But wait! There’s more. Syempre, para fair, nagtanong din ako sa best friend ng mga taga-Iglesia. Kumausap din ako ng isang naglalakad sa Dating Daan at hiningi yung kanyang opinyon. Tawagin na lang natin s’yang Sister Alien.

SS: Masaya ka?

Sister Alien: Sakto lang.

SS: Anong masasabi mo sa INC ngayon?

SA: Nasabi ko na dati pa… sa dating daan.

SS: Na ano? Na tama kayo at mali sila?

SA: Sa iyo nanggaling ‘yan, di sa akin.

SS: Fair enough. So kumusta naman kayo sa sarili ninyong Iglesia.

SA: Well, let’s just say na may dalawang tumaas.

SS: Ano yung tumaas?

SA: Yung ambagan saka yung number of members.