Bach to Bach

by Sankage Steno

Nagpatugtog ako ng Bach habang nagmiminindal ng banana cue at kwek-kwek kanina. In fairness, para akong nasa CCP o hotel lounge. Imagine, background ko yung Brandenburg Concerto habang lumalafang ng saging at itlog ng pugo. Sa’n ka pa? Winner!

I’m sure narinig mo na si Bach before; di mo lang alam na s’ya pala ‘yon. Click mo lang yung link ko d’yan sa unang paragraph para mapakinggan mo yung pinakinggan ko habang nagmemeryenda. And to prove na kilala mo nga si Bach sa puso mo, try searching for Air on the G String and Jesu Joy of Man’s Desiring. I’m sure narinig mo na ‘yan pareho either sa simbahan o sa teleserye.

Kung tatanungin mo kung ano yung pumasok sa utak ko at nagpatugtog ako ng classical music kahit ka-cheap-an lang naman yung kinakain ko, well, hiyang-hiya lang naman kasi ako sa budget sa SONA para sa meryenda ng mga masisipag nating kongresista at iba pang pulitiko. Nasa P700 per head kasi ang budget para sa pagkain nila.

ODK. One week ko nang budget ‘yon para sa lunch ko. Sila meryenda lang? Nahiya naman talaga yung saging at itlog ko (parang ambastos).

Buti na lang magaling akong mag-improvise. Sinong matinong tao naman ang magpapatugtog ng Bach habang nagmiminindal, di ba? At sino ba naman ako para pagkagastusan ni PNoy ng P700 para sa meryenda? E binoto ko lang naman s’ya nung 2010, saka lagi lang naman akong nagbabayad ng income tax at VAT. Anlaki lang naman ng ambag ko sa kaban ng bayan. Sino ba naman ako, di ba?

Di naman ako nagpapaawa or anything. I’m just trying to make a point here. Impak, di naman ako nagsisising binoto ko si PNoy. Kumpara naman kay GMA (na hindi ko binoto dahil di pa ‘ko botante noong 2004) at sa ibang presidente natin in recent times, pinakamarami nang nagawa at naayos si panot. Yun nga lang, malalaki rin yung problemang kinaharap n’ya/natin.

Namely, Pork Barrel Scam, Yolanda, Zamboanga Siege, Bohol Earthquake, China bullying/Spratlys, Manila Hostage Crisis, SAF44, etc.

Basta I’m satisfied sa performance n’ya kahit pa maraming palpak. On a scale of 1 to 10, with 5 as the passing mark, I’ll give him a 6. Pwede pang maging 7 or 8 kung magiging okay yung K to 12, kung mababawasan yung income tax, kung maipapasa yung Freedom of Information bill, kung dadami pa lalo ang trabaho sa bansa at kung makukulong yung mga kurakot na pulitiko (pork barrel in particular).

Kapag nangyari ‘yon, makikinig na ‘ko nang live kay Bach, at pati na rin ng mga classical folk and kundiman songs natin, habang nagmemeryenda sa Sofitel. Fine, kahit sa Manila Hotel lang. Ang mahal naman kasi shet ng buffet sa Spiral.