Ambilis ng araw

by Sankage Steno

Katapusan na pala ng July bukas. Wala pa rin akong sweldo; delayed na naman. Mema. Pero ambilis talaga ng linggong ‘to. Actually itong buong buwan ng Hulyo, nabilisan ako. Any-any, -ber months na, tapos pagdating ng October, pupunta na ‘ko sa… Yey! Sana matuloy.

Kapag ganitong nabibilisan ako sa mga araw, isa lang ibig sabihin, busy ako. Ang tanong, me sense ba yung pinagkakaabalahan ko? Sasagutin ko na rin yung tanong ko.

Kung trabaho ang pag-uusapan, syempre naman, me sense s’ya, pero only to a certain extent. I don’t hate my job, pero it’s not something that I’m really proud of. I like it kasi nakakapagbasa ako at nakakapagsulat nang konti. I like it kasi me mga nakilala akong bagong kaibigan. I like it kasi nagagamit ko yung natutunan ko nung college.

Pero kung tatanungin mo ‘ko kung anong nakikita ko sa sarili ko in five years, I can’t say na kasama ko yung trabaho ko sa vision na ‘yon. Hopefully andu’n pa rin s’ya, pero sana me mas magandang dumating. Para kasing nakukulangan pa rin ako sa kanya. Sa sweldo, sakto lang. Sa satisfaction na nakukuha ko at the end of the day, parang kulang.

Which is why I have my hobbies.

Me bago akong inaaral ngayon, pero di ko muna sasabihin. Saka na lang kapag medyo mataas na yung skill level ko. Sa mga ka-close na kaibigan ko lang muna ire-reveal. Yung bagong hobby ko kasi na ‘to, complement s’ya sa isa ko pang “talent.” So sana maging magka-level sila soon.

Ito rin yung libangan ko na kumukumpleto ng mga araw ko. Kaya siguro pakiramdam ko, ambilis-bilis ng oras, kasi nauubos s’ya sa pagpapraktis. Idagdag mo pa na andami kong librong nakapila na tinatapos basahin. Minsan kulang yung 24 hours ko sa isang araw para matapos lahat ng gusto kong gawin (job not included).

Pero ang talagang malakas umubos ng time ko ngayon at sobrang nae-enjoy ko, pramis, walang halong biro, peksman mamatay man, e yung halos gabi-gabi kong pagtambay kasama yung tropa ko. I swear. Para akong nasa high school ulit. Mas masaya nga lang kasi kumikita na ‘ko ng sariling pera at wala ng magulang na pipigil sa ‘kin.

Oops. Labyu, Ma! Sana hindi mo ‘to mabasa.

Madalas nga, excited lang akong pumasok sa trabaho kapag alam kong magkikita kaming magtotropa❤❤ after office hours. I know medyo immature pero anong magagawa ko? Excited talaga akong katagpuin sila. Kahit nga paulit-ulit na lang yung kwentuhan namin, di pa rin nakakasawa. Sana lang at hindi muna sila magsipag-asawa at bumuo ng sari-sariling pamilya. But I won’t be too selfish naman to deny them that moment.

Kabado lang ako na baka bumagal ulit yung mga araw ko. Boredom kills me.