Abanger’s Guide to Rebound

by Sankage Steno

Sabi ko sa kaibigan kong nanghihingi ng love advice sa akin, “Wow, sa akin ka pa talaga nagpa-advise?” In all honesty, bobo ako sa relationship dahil never pa akong nagkaroon ng seryosong jowaers. Walang me gusto ng commitment, which is kinda expected na rin naman sa mundo ko. Anyway, nagbigay pa rin ako ng payo dahil perpekto akong tao at alam ko ang lahat ng bagay sa buong universe.

Ang una kong payo sa kaibigan kong patay na patay sa isang babaeng di pa nakaka-move on e MAGHINTAY. Pa-sweet-sweet muna hanggang sa dumating yung panahong ready na si ate. But that advice is too boring and too safe. Bilang kaibigan, hindi ako magse-settle sa ganyang katalinong payo. And besides, literature tells na ang mga hopeless romantic na abangers ay trahedya ang kinahahantungan pagdating sa buhay-pag-ibig.

Exhibit A:

Si Jay Gatsby sa nobelang The Great Gatsby ni F. Scott Fitzgerald. Gabi-gabing nagpapaparty ang lolo mo sa kanyang mansyon para lang masilayan ang labidabs n’yang si Daisy Buchanan na kasal na sa isang mayaman ding hunky papa. Ang ending, hindi naging sila at namatay si Jay. What’s worse, walang nakipaglibing sa kanya kahit lagi s’yang nagho-host ng magarbong party.

Exhibit B:

Si Julio sa nobelang Sa Mga Kuko Ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes. Nagpunta si Julio sa Maynila para hanapin ang nobyang si Ligaya na naloko sa pagma-Maynila nito at nauwi sa prostitusyon. Nabili si Ligaya ng isang Intsik na kinasama s’ya at ginawang parausang alipin. In fairness, mahal ng dalawang bida ang isa’t isa, pero wala pa ring kwenta ang damoves ni Julio. Sa huli, di rin naging sila. Namatay din si Julio.

Exhibit C:

Si Severus Snape sa nobelang Harry Potter ni J.K. Rowling. Sobrang abangers nitong taong ‘to. Kahit kasal na si Lily Potter at kahit pinatay na rin ni Voldemort, love pa rin n’ya. Jusmiyo. Wala rin namang nangyari sa pag-ibig n’ya, maliban na lang sa forever s’yang alone at, of course, namatay din s’yang malungkot. At least sa huli nalaman nating mabait pala s’ya. Pampalubag-loob ba.

Exhibit D:

Si Intoy sa nobelang Ligo na u, Lapit na me ni Eros S. Atalia. Don’t worry, di s’ya namatay. Umibig lang naman s’ya sa pokpokitang si Jen. Ayun, porke lagi silang nagse-sex, akala n’ya sila na. Akala n’ya mahal din s’ya nung babae. Well, akala lang n’ya ‘yon. Naglahong parang bula na lang itong si Jen. At si Intoy? Abangers forevermore sa wala. Tanga.

So ang moral lesson sa mga kwentong ito ng kasawian is WAG KANG MAGHINTAY. Gumawa ka na agad ng paraan. At ang paraan lang na naiisip ko para maging kayo na n’yang inaabangan mo ay eto:

Yayain mo s’yang uminom either sa inyo o sa bahay nila. Magpakalasing kayo pareho, pero wag naman sobra-sobra dahil wala nang mangyayari kung pareho kayong bangenge. Tanga lang? Now, kapag pareho na kayong nasa tamang amats, dun mo na s’ya pormahan lalo. Or gapangin, depende sa vocabulary mo. But don’t do it without her consent. Tantsahin mo pa rin. Bakit kamo? Kase, kapag ginalaw mo s’ya nang walang pahintulot at pwersahan, that is called RAPE.

Wag ka namang gumawa ng krimen, saka di mo rin s’ya mapapaibig sa ganong paraan, unless susundin natin yung utos sa bibliya, sa Deuteronomy, na dapat pakasalan ng babae yung nang-rape sa kanya. Wag po tayong nagpapapaniwala sa lahat ng sinasabi sa bible. It’s just a book like yung mga nauna kong nabanggit.

So that’s it. Mag-inuman kayo and have a great time together. Kung ready na kayo pareho, e di do the magic. Ganun lang kasimple. Hopefully after you two do it, makakalimutan na n’ya yung ex n’ya at magiging kayo na sa wakas. Kung hindi naman, well, at least naka-score ka.

Ansama kong kaibigan, bow.