Andami kong tawa

by Sankage Steno

“Hi! Isang 1-pc Chickenjoy meal nga po,” sabi ko sa kahera ng Jollibee.

“Sir, with rice po ba?”

“Ay hindi, ate. With love! Gusto ko punung-puno ng pag-ibig yung Chickenjoy ko. Yung pwede ko nang jowain yung manok, ganyan.”

Naloka ako sa tanong ni ateng kahera. Sa halos linggo-linggo kong pagkain sa Jollibee, nun lang ako naka-experience matanong kung gusto ko ng kanin. Nabalik na ba yung tinapay nila na ka-partner ng Chickenjoy? Alam ko kasi nung early 90s me choice ka kung rice o bun yung kapareha n’ya. Chineck ko yung menu, hindi naman.

Ta’s naisip ko na baka gusto talagang mag-alok ni ate ng extra rice. Oo, yun nga. Kung makapanlait naman kasi ako agad, kala mo kung sino akong perfect na hindi nagkakamali.

Anyway, nangyari s’ya kagabi pagkatapos kong tumambay sa Bo’s Coffee kasama yung isa kong kaibigan. Me nakakatawa rin kaming napag-usapan. Sabi ko sa kanya, meron akong isang barkada na tuwing Pasko, talagang nag-e-effort kami sa tema nung party namin. Wholesome yung theme, pero yung acronym, hinde.

Ta’s nagbigay ako ng example sa friend ko. Sabi ko, “Ang theme nung unang party namin e ‘Paskong Umaapaw sa Kasiyahan and Everything.” Napaisip s’ya saglit, ta’s natawa s’ya nung na-figure out n’ya. So nagbigay pa ‘ko ng iba pa naming naging theme.

Sabi ko, “Eto pa yung mga theme namin: Jolly Ang Kapaskuhan Of Love.” Tawa na naman s’ya. “Kapaskuha’y Asahang Nananatili Through Our Thingy.” Tawa na naman s’ya. “Kapaskuha’y Unahin Para Amazing Lahat.” Tawa na naman s’ya.

Hindi ko na nakumpleto yung mga tema, pero I’ll dedicate a separate blog for that bago matapos ang taong ‘to.

In fairness sa kaibigan ko, hindi s’ya nagpahuli. Meron din s’yang pantapat sa mga Christmas party themes namin. Meron daw s’yang grupo sa Facebook na sinalihan.

“Anong group?” tanong ko.

“Engineering To Information Technology Society,” sagot n’ya. Mga students daw na nag-transfer from Eng’g to I.T.

Turn ko namang tumawa nang malakas.

Hindi pa d’yan natapos yung tawa ko kagabi. Bago dumating yung kaibigan ko sa coffee shop, nagbasa-basa muna ako ng libro. E may part dun na natawa talaga ako, pramis. Mag-isa akong napapangisi dun sa upuan ko. Ta’s di ko namalayang nakatingin pala yung isa kong friend na barista do’n.

“Ang saya lang a,” sabi ni barista friend.

Masaya talaga yung binabasa ko. Eto pa rin yung nabanggit ko before sa isa kong blog, ‘yung Rites of Pleasure ni Jennifer Hunter. And I quote:

The Tigris River was said to be the ejaculate of the Mesopotamian God Enki. And Hermes taught Pan to masturbate to relieve his frustration. If the Gods masturbate, why then, it must be fine for us to do it as well. And who knows what we might create?

So alam mo na kung ano ginawa ko pagkauwi sa bahay after ng lahat ng tawanang ito.