May magpakailanman

by Sankage Steno

Ito ang aking masasabi sa mga taong ipinagpipilitang walang magpakailanman:

Halikan mo ang aking tumbong.

Ilapat mo ang iyong mapupulang mga labi sa butas ng aking puwit at paulit-ulit itong hagkan hanggang sa mailabas ko ang kinaing longganisang sagana sa bawang kaninang tanghali. Namnamin mo ito at pakalasapin sapagkat iyan ang nararapat sa tulad mong mapait ang panlasa sa pag-ibig.

Saluhin mo na rin sa iyong bibig ang umaalingasaw kong utot tulad ng paglanghap mo sa usok ng mga sinunog na damong nakuha mo sa bundok ng Kordilyera. Ikulong mo ang usok sa iyong baga at hintaying umabot sa iyong utak upang tumatak sa iyo kung gaano ko kinasusuklaman ang mga taong tulad mo.

Kumuha ka ng pinakamatalim na gulok na iyong mahahanap at kantutin mo ang iyong sarili gamit ito. Paduguin mo ang iyong ari katulad ng pagpapadugo mo sa iyong puso dahil sa pagpapaniwala sa iyong sariling hindi makapananaig ang pag-ibig.

Umaasa akong ikamamatay mo ang lahat nang ito.

Kaya naman…

Tumayo ka sa harap ng pintuangbayan ng impyerno kung saan walang pag-asang nananahan dahil doon nababagay ang mga taong tulad mo. Salubungin mo ang mga demonyong buong galak na naghihintay sa iyo at iyong magiging kasa-kasama sa habang panahon.

Paliguan mo ang iyong katawan ng apoy at maghilod ng asupre upang makaramdam ka naman ng kahit kaunting init. Sunugin mo ang iyong kaluluwa sapagkat kulang pa iyan upang tunawin ang nagyeyelo mong pusong pinalamig na ang buo mong pagkatao.

Magsawa ka sa pagpapahirap na ikaw rin ang puno at dulo. Anihin mo ang pait, poot at pighating hatid ng mapang-uyam mong pagtingin sa pag-ibig. Iyong-iyo iyang lahat.

Ikaw ay kaawaawa. Nahahabag ako sa iyo. Tandaan mo iyan.