Bakayaro! Konoyaro!

by Sankage Steno

Parang me nanonood ng anime dito sa likod ko. Me matandang Hapon kasi dito sa coffee shop na tinatambayan ko. Kala ko kung sino yung inaaway. Anlakas pa ng boses. Parang yung storyteller sa One Piece. Yun pala me kausap lang sa phone. Baga! Di ko naman ma-gets yung sinasabi dahil napaka-limited ng Japanese words na alam ko, puro masasama pa. See title.

Kakanood ‘to ng Naruto e.

Anyway, kagabi naman, napanaginipan kong nasa Japan daw ako. Ang weird kase kasama ko yung isa kong kaibigan. Habang naglalakad-lakad kami, nagsimulang umulan ng nyebe. E wala akong dalang jacket, so naghanap kami ng mabibilhan. Napunta kami sa isang ukay-ukay. Takte lang. Me ukay sa Japan? Wuw!

Kahit nung nagising na ako, kala ko talaga nasa Japan ako. Nalungkot ako bigla nung matauhan ako at makitang andun ako sa kwarto ko. Grabe lang ang fixation ko sa bansang sumakop sa atin nung World War II. Oh well, past is past. Kaalyado na natin ang Japan. China naman ang kontrabida sa kwento ng bansa natin ngayon.

Alam mo kasi, dahil napuntahan ko na yung mga gusto kong puntahan sa Pilipinas, balak ko namang maglibot sa mundo, at una kong target ang Japan. Sunod ang United States at next ang Spain. Nakita mo ba yung pattern? Hinde? Well, kung di mo pansin, balak kong puntahan yung lahat ng bansang sumakop sa atin.

Wala lang. Gusto ko lang. Lahat kasi sila developed na, habang tayo e papaangat pa lang.

So kaya siguro napapanaginipan ko ang Japan at nagpaparamdam sa ‘kin yung mga Hapon e dahil atat na ‘kong pumunta do’n. Law of attraction kumbaga. Wuw! Big words. Baka sa sobrang pananabik ko, biglang hindi na-approve yung visa ko, o kaya naman e hindi ako payagang mag-leave sa office. Guguho ang mundo, I swear.

Harakiri na ‘to!

Gago, biro lang. Baka i-taijutsu ko lang yung boss ko ‘pag di ako pinayagan. O kaya naman e baka hagisan ko ng Little Boy yung Embassy of Japan ‘pag di nila ako inisyuhan ng visa. Nako lang talaga. ‘Pag ganitong naatat ako, ayokong nabibitin. Hentai lang ang walang latay. Mema.

Shit. Ano nga pala mga requirements for Japanese visa? Saka magkano gagastusin ko sa trip? Me itinerary ka ba dyan? Pahiram naman ako. Sa Tokyo lang naman ang punta ko. Autumn yung season. Tulungan mo naman akong masulit yung one week ko do’n.

Arigatou gozaimasu!