In the navy

by Sankage Steno

Parang gusto ko nang sumali sa Philippine Navy (where can you find pleasure, search the world for treasure). Ambilis ng pag-modernize nila ngayon, ta’s nakakatanggap pa tayo ng donations mula sa mga kaalyado nating bansa (United States, Japan, Australia, etc.). At take note, di lang basta-bastang donasyon ito. Mga sasakyang pandigma lang naman (see photos below).

I wonder kung ano kapalit ng mga ‘yon. Isa kong hula maliban sa papayagan sila ng pamahalaan na gumamit ng base militar natin e baka payagan din silang magtapon ng mga basura nila sa lupain natin, particularly yung mga toxic wastes. Kutob ko lang naman.

Anyway, saka ko na poproblemahin ‘yon. For now, magpapaka-amaze lang muna ako sa mga bagong barko at helicopter natin. Idagdag mo pa d’yan yung mga inorder ni PNoy na fighter jets na nasa Subic na ngayon, if my memory serves me right. Grabe, talagang naghahanda na tayo sa digmaan. Katakot lang.

Nakakatakot ding isipin na bilyong piso yung ginagastos ng pamahalaan natin para ipambili sa mga gamit-pandigmang ‘to. E kung ginamit na lang kaya yung mga ‘yon para sa edukasyon at para sa pagsasaaayos ng MRT at mga kalsada natin? Pero kung ako si PNoy, baka ganun din gawin ko e lalo pa’t lalong nagpapalawak ng teritoryo ‘tong bully China.

I mean, syempre, pinakamataas pa rin sa budget ko yung education and social services, pero tataasan ko rin yung budget ng armed forces natin. Kulelat kaya tayo sa buong Southeast Asia.

Although ayoko sa digmaan (jusko, ‘wag mo nang pangarapin), somehow e thankful ako sa conflict natin sa China sa West Philippine Sea. Naging aware kasi ako lalo sa marine resources natin, sa teritoryo ng bansa at sa iba pang geopolitical issues ng Pilipinas. Kundi rin sa pambu-bully ng China, hindi rin mapipilitan yung gobyernong i-modernize yung weaponry natin.

About time.

Saka di lang naman sa giyera magagamit yung mga sasakyang ‘to. Kahit sa oras ng kalamidad, magagamit s’ya. Mga sundalo rin kaya ang unang sumusugod sa disaster area before, during and after para tumulong at sumaklolo. Yun talaga ang trabaho nila. Defense natin sila sa parehong manmade at natural threats and hazards.

Which makes me so proud of my lolo na dating sundalo. Antagal ko na ring di s’ya nadadalaw sa Libingan ng mga Bayani. Mukang dapat na ‘kong bumisita ulit. Tangina di ko na maalala yung huli kong punta do’n.