Hubris

by Sankage Steno

Ang lagi kong sagot sa tanong na “Sinong iboboto mong presidente?” ay “Kung ngayon ang eleksyon, si Grace Poe.”

Pero baka si Mar Roxas na ang iboto ko ngayon.

Habang tumatagal kasi, napapansin ko sa mga statements ni Poe na “yumayabang” na s’ya to think na wala naman talaga s’yang nagagawa pang maganda para sa bansa. Pangalan lang naman ang meron s’ya, at hindi naman s’ya ang nagpakahirap to earn that reputation. Tatay n’ya nagpakahirap do’n.

There’s a word for this attitude e. Look up.

Ganito rin si Noynoy noong 2009 bago s’ya kumandidato bilang pangulo. Pangalan lang din ang meron s’ya. Me konting experience pero hindi sterling. Walang malaking nagawa para sa bayan. Ang kaibahan lang n’ya ke Poe, hindi s’ya mayabang magsalita nung s’ya na yung naging pambato ng Liberal Party.

But don’t get me wrong. Naniniwala akong marami magagawang mabuti si Poe kapag naluklok s’ya sa isang executive position. Maganda naman kasi yung performance n’ya sa MTRCB before. Bukod dito, malinis din yung record n’ya. Hindi s’ya kurakot tulad ni Binay, at hindi s’ya mamamatay-tao tulad ni Duterte. Kulang lang talaga sa experience.

Si Roxas naman, although may pangalan at may experience na sa paglilingkod—naniniwala rin akong hindi s’ya kurakot—ang problema nga lang e wala s’yang popularity o masa appeal. Hindi na tumatalab yung Mr. Palengke n’yang slogan nung tumakbo s’ya dati sa pagkasenador.

So kung ngayon nga ang eleksyon, tanging si Poe lang ang makakatalo ke Binay.

Now, according to my bubuwit, merong hinahandang pasabog itong Liberal Party. But before that, linawin muna natin ang problema. Sakit sa ulo ngayon ng administrasyon si Binay dahil s’ya ang most likely na susunod na uupo sa Malacanan Palace, at nasabi ko na ngang si Poe lang ang makakatapat sa kanya.

Ngayon, kung si Roxas ang standard-bearer ng LP at kung kakandidato rin si Poe, malamang sa malamang e matalo sila pareho ke Binay. Bakit kamo? Kasi mahahati ang boto para sa administrasyon. May boboto ke Roxas at may boboto rin ke Poe. Samantalang yung boto sa “oposisyon,” solid. Walang kahati si Binay.

So ganito ang dalawang posibleng mangyari in the near future.

1. Magpaparaya ulit si Roxas at iaalay n’ya yung posisyon kay Poe. Come to think of it, hindi pa naman s’ya nagfa-file ng certificate of candidacy. Magiging Poe-Roxas tandem na lang. Ito yung posibleng pasabog ng LP.

2. Magmamatigas si Roxas at si Poe, so baka maging Roxas-Robredo/Santos at Poe-Escudero against Binay-Pacquiao/Duterte. Most likely mananalo yung huli.

Medyo nae-excite ako sa political game na ito, pero kinakabahan din at the same time dahil ayokong bumagsak tayo ke Binay o ke Duterte. Babalik na naman tayo sa dark ages at sa pagiging sick man of Asia ‘pag nangyari ‘yon.