Yayamanin

by Sankage Steno

Makulimlim yung panahon, parang nasa London lang. Wuw, nakapunta na pala ako do’n e. Tanaw ko sa malayo yung building ng Globe at ng F1 Hotel saka yung isa pang may letter ‘W’, whatever that is. Sa likod ko naman, kahit di ko nakikita, andun yung showroom ng Alveo.

Andito lang ako sa isang establishment na pang-middle class, nakaupo sa isang silyang dinisenyo ni Kenneth Cobonpue. Anong ginagawa ko? Well, maliban sa obvious na nagsusulat, pinanonood ko yung mga taong dumadaan sa harap ko. In fairness, halo-halo sila ng lahi, at andaming cutee.

Ganito pala dito sa High Street. Yayamanin. Anlakas makaalta.

Nakakahiya tuloy sa suot kong Baleno trousers, Bench loafers at unbranded blue shirt. Todo-bukaka pa ‘ko sa upuan habang nagsusulat. Ba’t ba? Sa masarap bumukaka e. Walang basagan ng balls. I’m just being confident, that’s all. Lakas kasing makayaman ‘pag feeling confident ka lagi.

At buti na lang singkit ako. Di masyadong halata na isa akong Pilipinong empleyado na araw-araw nakikipagsagupaan sa EDSA at naghihintay sa payday para makatambay sa mga ganitong klaseng lugar. Kaya nagpapasalamat ako talaga sa mga magulang ko for giving me this yayamanin pair of eyes.

Buti na lang din at magaling akong mag-English. Alam mo naman tayong mga Pinoy, basta magaling mag-English, matalino na agad. At syempre, yayamanin forevs. (Thank you again to my parents for my education.) Kaya nga ininglish ko yung kahera kanina nung bumili ako ng iced tea at oatmeal cookie. Alam mo na, just to show off.

“Would you like your cookie reheated, sir?” tanong ni ateng kumikita ng minimum wage pero magaling mag-English.

“Yes please,” sagot ko in my most neutral accent. Not a fan of the call center or valley girl type. As if!

“Okay, sir. Paki-wait na lang po sa side.”

Paki-wait? What kind of language is that? It’s so pangmahirap. Pero syempre pinalampas ko na lang. I’m educated, di ba? The mark of an educated, yayamanin person is the not-to-make-patol attitude.

“Do you have wi-fi?” I asked. Hey, don’t judge me agad. I have mobile data on my phone, but I need internet for my laptop and my tablet. Andami ko kasing gadgets. (Puro android nga lang.) Yet, I don’t have a pocket wi-fi. Pakingshet. It’s so mahal kaya, to think na it’s so bagal naman the internet in our country, plus the service of our network providers is so poor…

Just like the majority of our population.

Anyway, I have all that I want now. May pagkain ako, may internet access, may magandang upuan at setting, at may time akong magmaganda lang dito sa the-place-to-be ng mga yayamaning tulad ko. Oh, sweldo bukas. Stark mode na naman. Not the GoT Stark, please.

So pa’no? I’ll just be chillin’ here and doin’ what most yayamanin peeps like to do… yeah, you know, thinkin’ ’bout how to be more mayaman while sippin’ some tea. Cheers!