Attack on Titas

by Sankage Steno

Nasa kasarapan kami ng kwentong mga magkakaibigan nang biglang may tatlong babaeng sumingit sa aming huntahan at nakisuyo. Sa tantya ko e nasa 45 to 50 yung edad nila. Lahat sila e nakaposturang pangmayaman, suot-suot yung mga ginintuang alahas at tadtad ng face powder yung wrinkles.

“Mga pogi, pwede bang makiupo dito?” sabi nung mukang pinakamatanda sa kanila.

“Sige lang po,” buong galang kong sagot.

Medyo puno na kasi yung coffee shop at yung table sa harapan ko na lang yung bakante. Inusog na lang namin yung mga bag at computer namin para magkasya silang tatlo.

“Mga college pa ba kayo?” tanong nung may pinakamakapal na face powder.

“Opo,” sabi ko agad. Napataas yung boses ko, obvious na nagsisinungaling lang. Ang totoo kasi n’yan, ako lang yung graduate na sa mga kasama ko. Lahat sila e papatapos pa lang ng college. So what, di naman halatang mas matanda ako sa kanila.

Sabay-sabay nagtinginan yung mga kasama ko, nangingiti. Hindi sila nag-comment sa sinabi ko, naki-ride lang sila. Very good.

“Ambabata n’yo ngang tignan,” sabi nung pangatlong babae.

“Ay, tengkyu po.”

Kainis. F na F ko yung pagiging bata. E muka rin naman kasing paniwalang-paniwala yung mga kausap ko. Nakakatawa kaya. Parang gusto talaga kaming kilalanin nung mga titas of Manila. Aura kung aura yung mga menopausal ladies. Nagsusumixteen ang mga lola mo. Buti na lang friendly ako, kaya binigay ko na yung hilig nila. Flirt pa more kahit mej nakakasuka.

“Sa’n po ba kayo galing?” tanong ko to no one in particular. Translation: I’m just being polite.

“Sa puso mo,” they said in chorus.

Charot lang. Hindi yun yung sinagot nila. Di ko na rin sasabihin kung saan talaga sila nanggaling bago pumunta sa coffee shop. Suffice it to say na napahaba ko pa yung usapan namin. Akalain mong benta rin pala ako sa mga desperate housewives na ‘to. Sorry na lang sa kanila dahil hanggang kwento lang ang pwede kong ibigay.

Balak ko sanang ialok yung isa sa mga kaibigan kong nanlalaki na yung mata sa mga pinagsasabi ko, kaso baka mapikon s’ya. Baka mabastos ko rin yung mga titang nagtu-twinkle na yung mga mata habang kausap ko. Isa pa, ayoko ring maging bugaw. Oh please.

Tinigilan ko lang yung pakikipag-flirt sa tres marias nung makaramdam akong naiihi. Pagkalabas ko ng CR, nawalan na rin ako ng ganang makipaglaro sa kanila. Niyaya ko na yung mga kaibigan kong lumipat ng place para magnomo. Good decision na rin. Baka kasi kung tumagal-tagal pa yung pakikipag-usap ko sa mga babaeng ‘yon e ma-in love na silang tuluyan sa ‘ken.

Wuw! Lakas.