Maganda ka lang

by Sankage Steno

Kelan kaya ako makakapag-perform sa Araneta? Or sa MOA Arena? Pwede rin naman sa Philippine Arena kaso baka di na ‘ko makalabas nang buhay du’n.

College pa lang pangarap ko na talagang mag-perform sa malaking venue. Nagawa ko naman sumayaw sa UP Theater dahil sa PE class ko. Actually, contest s’ya. Runner up nga yung section namin e. Not bad. Pero yun na yung huli kong pagtatanghal sa isang malaking lugar.

Buti pa yung mga walang talent, nakakapag-perform sa Araneta. Hello, Anne Curtis. Ikaw talaga yung pinapatamaan ko. Maganda ka lang, kala mo. I know you can buy this club, but you cannot buy talent. Yes, anlaki po talaga ng galit ko. Pasalamat ka dahil marami kang fans. Maraming magtatanggol sa ‘yo. Ako, konti lang. Iilan lang yung nagbabasa ng blog ko.

Anyway, alam ko namang maraming magagaling na artist sa Pilipinas ang hindi nabibigyan ng break. At yung ilang nakakapag-concert sa Araneta, di naman nakakapuno ng venue. Ewan ko ba sa taste natin. So jologs.

Hindi ko naman talaga gustong magkaroon ng sariling concert. Ayoko kasing sumikat. Okey na sa ‘kin yung kahit opening act sa isang sikat na artist o kaya e chorus sa isang musical o play. Pwede na rin yung chuwariwap, fine. Basta gusto ko lang mag-perform sa stage, sa harap ng libo-libong mga mata. Nakakakaba kasi. At gusto ko kapag kinakabahan ako.

Lakas makabuhay ng dugo.

Yun nga lang kakanta ka sa isang bar para maki-jam sa band, nakakakaba na. Samantalang ang audience mo lang naman do’n e mga lasing o me mga amats. Basta sumigaw ka lang, benta na. Pa’no pa kaya kung nasa katinuan yung audience mo? Ay, pota. Nakaka-wet kaya ng shorts ‘yon. Taena.

Masarap din kasi talagang kumanta nang may live band. Feel na feel mo yung kanta, ta’s andami mong kasamang musicians. Lahat kayo me talent at skills, ta’s pinagsasama-sama n’yo sa isang kanta. Ta’s samahan mo pa ng mga ilaw, microphone, speakers. Shet, ansaya lang.

Kaya di ko talaga ma-imagine yung meron kang magaling na banda o orchestra, tapos ang pakakantahin o pasasayawin mo e yung sintonado o parehong kaliwa ang paa. Parang nakakainsulto sa mga artists na bumilang ng maraming taon para hasain yung kakayahan nila. Ta’s anliit-liit pa ng sweldo nila. Mas malaki pa yung pay nung walang talent na artista. Ganda lang ang puhunan, punyeta.

I really hate you, Anne Curtis.