Pamana

by Sankage Steno

Taena ‘yan. Naiiyak ako sa pagpatay kay Pamana. Ansaya-saya ko pa lang noong June 12 nung napanood ko yung pagpapakawala sa kanya sa wild. Ta’s two months later, mababaril lang pala yung kawawang Philippine eagle.

Shet talaga.

Sana mahuli agad yung bumaril at maparusahan. Syempre O.A. naman kung death penalty yung ipaparusa sa may sala (kahit sa loob-loob ko e gusto kong an eye for an eye ang gawin), so inalam ko yung punishment kung sakaling mahuli yung suspek at mapatunayang s’ya yung pumatay sa ibon.

Sabi sa Sec. 28(a), Chapter V ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act, ang parusa raw e pagkakakulong ng anim hanggang 12 taon at/o multang P100,000 hanggang P1,000,000. Pero eto ang catch. Applicable lang ang parusang ito kung yung napatay na wildlife daw e considered as “critical” species.

Hindi ko alam kung critical na ba yung Philippine eagle (tingin ko, oo) or endangered species.

Kung sa pangalawa s’ya babagsak, eto naman yung parusa ayon sa Sec. 28(b): pagkakakulong ng apat hanggang anim na taon at/o multang P50,000 hanggang P500,000.

Pero kung si Duterte ang masusunod, dapat barilin na lang din yung gumawa nito kay Pamana, tutal naman at nasa Davao yung Philippine Eagle Sanctuary.

Grabe, nung pumunta ako do’n five years ago, sobrang memorable sa ‘kin nung experience. First time kong makakita ng Philippine eagle in the flesh, at ang nasabi ko lang sa sarili ko e, “Napakagwapo ng ibong ‘to.”

I swear.

Kahit nung nagtuturo na ‘ko, kapag nakukwento ko sa mga students ko yung experience ko sa Davao, nung makita ko yung ibon na ‘yon, proud na proud talaga ako sa pagsasabing “That is the handsomest bird I’ve seen in my entire life.” Tapos ang laging reply ng mga estudyante ko e, “Yiheeeeee!”

That is so mature.

Pero kung makakapagbigay lang ng consent yung Philippine eagle, kung mapapapayag ko lang s’ya, makikipag-sex talaga ako sa ibong ‘yon. Bestiality sa himpapawid. Sa’n ka pa? Ganu’n talaga yung pagkamangha ko sa hayop na ‘yon. Love at first sight, taragis lang.

Kaya sana talaga mahuli at maparusahan yung pumatay kay Pamana. Sana rin hindi na ‘to maulit. Nakakatakot kasi. Sa protected area pa mismo nangyari yung pamamaril. So sino ang bumaril, yung mga scout din? Sundalo? NPA? Sila lang naman yung me mga baril na nakakapasok dun a.

I know, I know, hayop lang s’ya. Marami pang mas mabibigat na problema sa mundo. Maraming nagugutom. Maraming pinapatay. Maraming hindi nakakakamit ng hustisya. But still! Hindi ‘to dapat palampasin nang ganu’n na lang. Please!

Sabi nga ni pareng Gandhi, “The greatness of a nation and its moral progress can be judged by the way its animals are treated.”