Gagambae

by Sankage Steno

Ngayon lang ulit ako nakapaglaro ng gagamba after four decades. Joke, dalawa lang. Nasa 20s pa lang kaya ako. Still young and wild and free. Kapag namatay ako, sasabihin ng mga tao, “Ay, ambata pa. Ang gwapo pa naman. Kawawa naman.”

Anyway, nawala na ‘ko sa topic. Gagamba! Yes, spider. Hindi ako hustler maglaro ng gagamba noon pero at least na-try ko namang magsabong ng gagamba. Di pa kasi uso yung Pokemon noon. Totoong mga hayop ang pinagsasabong namin. And nope, di ko pa nasubukang magsabong ng manok. Pero na-try ko nang kumain ng buhay na manok. Aswang kaya ako in real life.

Anyway, nawala na naman ako sa topic. Gagamba! Yes, spider. Di ko pa alam noong medyo cruel pala yung ginagawa naming paglalaban-laban sa mga gagamba. Ang harsh lang nung pag-aawayin mo yung dalawang nananahimik na hayop. Parang boxing lang. Pero I won’t go to that topic dahil mawawala na naman ako sa focus.

Meron akong traumatic experience sa mga gagamba kaya di ko natagalan yung paglalaro sa kanila. Gumawa si papa ng bahay yari sa mga kahon ng gamot galing dun sa pinagtatarbahuhan n’ya. Dun ko nilipat yung mga alaga ko mula sa dating bahay na yari sa kahon ng posporo. Ansaya ko lang nung gabing ‘yon.

Kinabukasan, pumasok ako sa school as usual, pero pagbalik ko sa bahay after mag-aral, tumambad sa akin ang isang kahindik-hindik na eksena. Kinuha ko sa taguan yung bahay ng gagamba. Pagbukas ko ng kahon, patay na lahat ng alaga ko. Nilanggam! Taena. Natalo ni Ant Man si Spiderman! Doon ko napatunayang there is strength in numbers. Idagdag mo pa na walang laban yung mga gagamba dahil nakakulong sila.

Dapat sinaputan nila yung sarili nila. Nakakaiyak.

Simula noon, di na ‘ko nag-alaga ng gagamba. I was careless. I was naive. Dahil sa katangahan ko andaming nasayang na buhay… kahit buhay lang ng mga hamak na gagamba. And I couldn’t forgive myself for that. Okey, ang OA ko na. I’ll stop right there.

Ngayong matanda na ‘ko, (Matanda, meaning adult, not old.) syempre mas matalino na ‘ko. Kung mag-aalaga ulit ako ng gagamba, sisiguraduhin ko nang ligtas sila at hindi maaatake ng mga langgam. Pero dahil mas matalino ako than average, pinili kong di mag-alaga ng gagamba. Nakakaawa kasi. Saka nakakalungkot isipin na nakakulong lang sila at ilalabas kapag isasabak na sa laban.

Ayoko nun.

Ang gusto ko na lang alagaan ngayon e yung taong malagagamba sa kama. Yung tipong pataan at turuan at magaling gumamit ng sapot. Yung magpapakulong kami pareho sa mga sapot at saka magsasabong doon buong magdamag. Magpapakasasa kami sa laman ng bawat isa hanggang forever. At kapag may na-trap na ibang tao sa ginawa naming sapot, join the fun! Yum! Yum!