Tatakbo sa pagkapangulo si Bongbong. Yehey!

by Sankage Steno

This is so exciting. Naglalabasan na yung mga nangangarap na makapagnakaw sa kaban ng bayan. Unti-unti nang lumilitaw yung mga ambisyoso’t ambisyosa sa Pilipinas. Kinikilig ako sa tuwa.

Pinakabagong nagpahayag na tatakbo sa pagkapangulo yung anak at namesake ng diktador ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos.

Ang masasabi ko lang, “Go, Bongbong!”

Wait, I know what you’re thinking. No, I know that you know that I know what you’re thinking. Gets? So wait ka lang d’yan. Bago ko sabihin yung dahilan ko kung bakit gusto ko nang tumakbo si Bongbong ngayon, papasadahan ko muna sandali yung isa pang malaking isyu sa kanya.

Sabi kasi n’ya sa isang press conference, hihingi lang daw s’ya ng tawad kung may nasaktan s’ya. E kanino daw ba s’ya nagkasala? I’m referring to the injustice done by his father to the entire nation. May nagtanong kasing reporter kung mag-a-apologize daw ba s’ya sa mga ginawa ng pamilya noon. Anlinaw ng sagot n’ya, di ba?

Translation: Hindi siya hihingi ng tawad.

Pinagdidiinan din n’ya na kung maraming nasagasaan yung tatay n’ya noon, marami din naman daw itong nagawang mabuti para sa bayan. Ha! Gusto kong sumuka ng dugo sa mukha n’ya. Hanggang ngayon e naniniwala pa rin s’yang bayani ang kanyang ama at ito ang nagligtas sa Pilipinas.

Hindi ko na uulitin yung sarili ko dahil nakakasawa at nakakabagot na. Basahin mo na lang ulit ‘tong sinulat ko two years ago: Para sa mga Ignoranteng 90s Kids.

At kung gusto mo pa ng karagdagang impormasyon, may makukuha kang konti kapag ni-like mo yung Facebook page na ‘to (na hindi ako ang gumawa, I swear).

All right! I’m done sa isyu na ‘yan. Alam kong hindi matatapos ang debate tungkol dito pero hanggat nabubuhay ako, hindi rin ako magsasawang i-copy and paste yung blog ko na ‘yan na naka-link. Patigasan tayo ng ulo sa taas at sa baba. Boom!

Ngayon sasagutin ko na kung bakit gusto kong tumakbo si Bongbong. Naalala mo yung blog ko a few weeks back? Yung Hubris? Basahin mo para mas malinaw sa ‘yo yung sasabihin ko ngayon.

Kaya ko gustong tumakbo si Bongbong sa pagkapangulo e dahil tatakbo rin si Jejomar Binay. Ang worry ko kasi nung una, kapag parehong tumakbo sa pagkapangulo sina Mar Roxas at Grace Poe, mahahati yung boto ng mga taong ayaw sa kurakot na lider. I’m not saying na magaling ha or perfect president. Ang sinasabi ko lang e hindi corrupt.

Dahil hati ang boto nila, malaki ang chance na si Binay talaga ang manalo sa eleksyon next year. But now, the game has changed. May bago nang player na sumali… si Bongbong. Kung matutuloy yung pagpa-file n’ya ng certificate of candidacy, ibig sabihin nito, meron na ring kahati si Binay sa mga boto.

I know na hindi sila magkapartido, pero malakas kasi yung kutob at paniniwala kong yung mga boboto ke Binay e yung mga mangmang din na Pilipinong naniniwalang si Marcos ang pinakamahusay at pinakamabuting naging pangulo ng ating bansa. Yep, I generalized na parehong uri lang sila ng mga tao. Ang mga pro-Binay ay pro-Marcos din.

Which is kinda ironic dahil isa si Binay sa mga kumalaban kay President Marcos noong kasagsagan ng diktadurya nito. Dati pong human rights lawyer itong si Binay. Ngayon, katulad na rin s’ya ni Marcos na kurakot at maitim ang budhi.

Kaya dapat talagang may term limit ang mga pulitiko e. Kahit ga’no pa sila kabait o kabuting tao, kapag binigyan mo sila ng kapangyarihan o pwesto sa pamahalaan, magbabago at magbabago sila for the worse.

So there. Gusto kong tumakbo si Bongbong Marcos para may kahati na rin sa boto si Binay. This way, patas na ang laban.

Excited na ‘kong malaman kung sino pa yung makikisali sa circus na ‘to.