Sinasabotahe ang AlDub

by Sankage Steno

Sinasabi ko na nga ba e. May kalokohang nangyayari sa cable TV ngayon. Mukang sinasabotahe ng SkyCable yung Eat Bulaga dahil natatalo sa ratings yung kalabang show. At isa ako sa libo-libong nabiktima nito, putongama.

Para sa kaalaman ng lahat, ang SkyCable ay subsidiary ng ABS-CBN.

Ganito yung nangyari sa ‘kin. Dinalaw ko yung kaibigan ko sa ospital sa Novaliches nung Sabado. Pagdating ko sa kwarto n’ya, lahat kami e nanonood ng TV at hinihintay yung Kalye Serye sa Eat Bulaga. First time kong makakanood sa TV nito kasi lagi akong nasa office kapag ganitong oras, saka hindi rin talaga ako mahilig manood ng TV.

Pero napapanood ko yung AlDub sa Facebook at sa YouTube.

Nung nagsimula na yung Kalye Serye, as in saktong-sakto kung kelan lalabas na yung AlDub, saka naman nawala yung signal ng cable. Biglang nagloko ang pota. Taragis lang. Akala naming lahat e dahil sa masamang panahon. Baka naapektuhan yung satellite signal or whatnot. Nung nireport namin sa nurse, sabi nila hintayin lang daw namin na bumalik.

Hindi na bumalik yung signal. Shet lang.

Nun na nga lang ako makakanood ng live na Kalye Serye, saka pa nasira? I smell something fishy. At dahil nga sa balitang ito, lalo pang nagatungan yung kutob kong sinasabotahe nga ng ABS-CBN yung GMA dahil natatalo sila sa ratings tuwing tanghali.

Kaya ang masasabi ko lang sa ABS-CBN: Tangina mo po.

Ano, suntukan na lang o? Papalag ka ba? Alam ko wala pang pruweba na magpapatunay na guilty ka, pero napapadalas na yung pagkawala ng signal kapag AlDub na yung palabas e. Nakakaloko ka nang gago ka a. Kukutusan kita d’yan e. Lumaban kayo nang patas. Palibhasa short-lived lang yung pagsikat ni Ryan Rems n’yo. Orayt! Rock and roll to the world!

Sana mapatunayang sinasabotahe nga ng SkyCable yung AlDub para maparusahan sila. Sana bigyan sila ng malaking penalty ng NTC para lalong malugi yung ABS-CBN. Tangina kase, pikon. Porke natatalo sa ratings, titirahin na nang pailalim yung kalaban. Ganid ampota. Pinapainit n’yo ulo ko lalo e. Stress na nga sa tarbaho, stress pa rin sa panonood ng TV? Asa’n ang hustisya?

Go, AlDub! Go! Lalaban tayo!