No Iglesia is above the law

by Sankage Steno

Anong kalokohan na naman ‘tong pinaggagagawa ng INC? Di pa ba sila nadadala sa kidnapping at corruption issues na pinasabog ni Angel Manalo at ng iba pang mga ministro? Ngayon gusto naman nilang guluhin yung Department of Justice?

Aba matinde!

Bakit di n’yo na rin kaya sugurin yung Malacanang at pabagsakin si PNoy? Kayo na kaya ang magpatakbo sa bansa. Anlakas n’yo kasi e. Well, in fairness naman sa inyo, malakas talaga ang powers ng bloc voting. Kahit sa tingin ko e ilegal s’ya, masasabing nakakalusot dahil malakas ang kapit n’yo sa gobyerno. Andami n’yo kayang galamay sa kung saan-saang ahensya.

Pero hindi n’yo kaya si De Lima. Unless na lang ipapapatay n’yo s’ya gaya ng ginagawa n’yo sa mga kaaway ng Iglesia. Wait, does that mean I’m also in danger? Shit!

Ano gusto n’yong mangyari? Sa tuwing makakasuhan kayo, susugod kayo sa NBI o sa mga korte? E di ganun na lang kaya gawin nating lahat. Kapag may paring nakasuhan ng statutory rape, sugod ang mga katoliko sa DoJ! Kapag may pastor na kinasuhan ng estafa, sugod ang mga kristyano sa DoJ! Kainis.

Alam n’yo kayong mga kampon ng Iglesia, may karapatan kayong magprotesta at magpahayag ng saloobin, pero wala kayong karapatang patigilin yung NBI sa ginagawa nitong imbestigasyon sa mga baho ninyo. Ginagawa lang nila yung trabaho nila. May nagreklamong ministro ninyo, di ba? Sa inyo rin nanggaling yung kaso e, tapos ang gusto n’yo ibaon na lang sa limot ng NBI at DoJ?

Ogag pala kayo e.

At ano itong pinagsisigawan ninyong separation of church and state? E kayo kaya ‘tong mahilig mamulitika at makialam sa estado. Tigilan n’yo muna ‘yang bloc voting n’yo bago ako maniwala sa argument n’yong ‘yan. Mga pulpol! At kung talagang gusto n’yo ng separation of church and state, tigilan n’yo ‘yang ginagawa n’yong panggugulo at hayaan n’yong gawin ng NBI at DoJ yung trabaho nila.

Nasasayang yung tax na binibigay ko sa gobyerno kung ganyang napupurnada yung serbisyo nila dahil sa inyo. At alam kong nasasayang din ‘yang ikapu na binibigay n’yo sa Iglesia dahil sa bulsa lang ng kung sino-sino napupunta yung pera. So ikinaganda ng buhay n’yo ang Philippine Arena? Wuw!

Bumalik na lang kayo sa Iglesia n’yo at magdasal na sana e mabigyan ng hustisya yung talagang nangangailangan ng hustisya. Kung talagang wala kayong bahong itinatago, tatantanan n’yo ‘yang panggugulo kay De Lima at sa mga tao n’ya. Hayaan n’yong manaig ang katotohanan.

Ano? Sa lagay bang ire e kayo pa rin ang nakakaalam ng katotohanan? Wuw again!