Iglesia ng Creeps

by Sankage Steno

Kakalaro ko lang ng DotA at may napagtanto akong isang makabuluhang bagay…

Wala pala halos pinagkaiba ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa mga creeps sa DotA. Sila yung mga kampon na ipinapain at ipinansusugod sa kalaban. Sila yung mahihinang nilalang pero marami at hindi nauubos. Sila ay hindi nag-iisip, sugod lang nang sugod. At kapag nagkasagupaan na, sila rin yung unang nasasaktan at namamatay.

Sa creeps umaasa yung mga heroes kapag mahina pa lang sila at nagpapalakas. Pwede silang gawing pananggalang sa kaaway. Pero ang pinakamahalagang silbi nila ay pera. Sa mga creeps nanggagaling ang pera ng mga ministro, este, ng heroes sa DotA. Kapag kasi napapatay mo yung creeps at ikaw ang last hit, magkakaginto ka.

Amazing, ‘no? Parang ikapu lang o tithe.

Kaya kung walang creeps, wala ring pera ang hero. Kung walang mga miyembro ang INC, wala rin silang pera. Kapag kasi naubos ang members nila, bukod sa mawawalan ng ikapu, mawawalan din ng bisa ang bloc voting na SS nila o pinakamalakas na skill. Kapag walang bloc voting, hindi na sila papansinin ng mga pulitiko. Hindi na sila susuhulan at bibigyan ng malaking halaga para maendorso tuwing eleksyon.

Ang hindi alam ng mga INC members e sila ang lifeblood ng grupo nila. Nasa kanila talaga ang kapangyarihan at wala sa mga ministro o sa Sanggunian. E ang kaso, nagpapaka-creep nga sila. Parang pawn sa chess. Parang turuang aso. Mas may sarili pa nga yatang pag-iisip yung aso namin sa kanila e. Ni hindi ko nga mapa-sit yung aso namin.

Yun naman ang pinagkaiba ng DotA creeps sa INC members—may free will ang huli. May kakayahan silang magdesisyon para sa sarili at hindi lang basta sumunod nang sumunod sa mga ministro nila. E kaso nga tatanga-tanga. Parang laging in love ang mga kampon ng Iglesia.

Magkano ba ang sweldo ng tanga?

Mga creeps ng Iglesia, pakisagot nga. Kapag ba inuutusan kayo ng ministro ninyong lumusob sa kalsada at magpakita ng pwersa o dami ninyo, binabayaran ba kayo? May refund ba sa ikapu ninyo? O Jollibee lang masaya na kayo? Magpapakapagod at magpapakapuyat na kayo, not to mention magpapa-bully online and offline, para lang sa isang spaghetti at regular yum? Or is it Chickenjoy?

May isa pa pala kayong pagkakatulad sa creep. Pero ibang creep ‘to, pramis. Buti magaling ako sa song lyrics kaya naalala ko ‘to. Alam n’yo ba yung kanta ng Radiohead na Creep? Bagay sa inyo yung chorus no’n. Swak na swak sa ginagawa n’yo ngayon sa EDSA. Alam n’yo ba yung sabi dun sa kanta? Hindi? Well, what can I expect from you? Eto, sige, sasabihin ko na:

But I’m a creep,
I’m a weirdo.
What the hell am I doing here?
I don’t belong here.

 

Advertisements