Tama lang pong MAGALIT

by Sankage Steno

Kung hindi tayo magagalit sa ginagawang ito ng Iglesia ni Cristo, kung hindi tayo magagalit sa mga pulitikong nagpapakagago para sumipsip sa INC, kung hindi tayo magagalit sa kabobohang ito, mangyayari at mangyayari ulit ang ganitong kahibangan taun-taon.

Gusto mo ba ‘yon?

Kaya nananawagan ako sa mga terorista at sa kanilang mga suicide bombers na magtipon sa EDSA-Shaw at sa Commonwealth Avenue para sa isang vigil. Tinatawagan ko rin po ang mga rebelde at mga separatist groups na dumalo at makilahok. Ito pong pagtitipong ito ay para sa inaasam-asam nating kapayapaan, kaunlaran at pagkakaisa bilang isang lahi.

Gago, biro lang. Ayoko pong may mapahamak na tao sa nangyayaring panggugulo ng mga Iglesia creeps sa EDSA at sa buong bansa dahil sa kanilang bloc voting power.

Pero seryoso akong dapat tayong magalit sa nangyayaring ‘to dahil nakakaperwisyo na at nakakainit ng ulo. Ang mas masakit pa sa lahat nang ito, ginagamit ng iilang taong nasa kapangyarihan ang kabobohan at kahinaan ng mga miyembro ng INC para sa pansarili nilang interes at ambisyon. Sinasamantala ng mga makapangyarihang ito ang mga mahihina. Tangina lang, di ba?

Kaya nananawagan ako sa lahat ng non-INC members, sa lahat ng Pilipino at sa lahat ng nagagalit sa nangyayaring ito na huwag iboto ang mga kandidatong ieendorso ng INC sa isang taon, gayundin ang mga kandidatong sinasamantala ang sitwasyon para magpabango sa Iglesia.

Huwag po natin silang iboto.

Pero matagal pa ang May 2016 at malakas ang kutob kong makakalimutan din nating lahat na galit ngayon ang tagpong ito sa ating munting kasaysayan. Kapag nagsimula na ang circus, kapag naglabasan na ang mga campaign jingles, kapag nagpamudmod na ng pera ang mga kandidato, mabubura na sa isip natin ang panggugulo ng mga INC creeps.

Madali tayong makalimot na mga Pilipino, kaya nga nasa kapangyarihan ulit sina Marcos at Erap.

Kaya sa ngayon, pinakamainam na pakinabangan natin ang ating galit. Ang pagiging keyboard warrior sa social media ay isang mabisang paraan, but it can only do so much. Ang isa pang mabisang paraan ay ang suportahan ang Department of Justice at ang National Bureau of Investigation. Tulungan natin si De Lima at ang mga tao n’ya na magawa ang kanilang trabaho at maisulong ang kasong ito nang maparusahan ang dapat maparusahan.

No one is above the law.

Pinakamadali ang paggamit ng #DeLimaBringTheTruth sa mga tweets at posts natin. Pero kung kinakailangan, at kung pagdating ng Martes ay nasa kalsada pa rin ang INC creeps, dalhin na rin natin sa kalsada ang laban. Huwag naman sanang humantong sa ganito. Last resort na ‘to. Sana umiral pa rin ang ating mga batas at institusyon. Sana i-disperse na sila ng pulis kapag hindi pa rin sila umalis.

Kapag naparusahan ang mga taong dapat maparusahan, malaking panalo ‘yon para sa gobyerno at para sa atin. At malaking dagok naman ‘yon sa mga naghahari-harian d’yan.

Pagalitan na natin sila.