Deal or No Deal

by Sankage Steno

Syempre lahat tayong nag-iisip e nagtatanong ngayon kung ano yung napagkasunduan ng Malacanang at ng Iglesia ng Creeps. Nakakapagtaka kasi na bigla na lang tinigil ng mga INC members yung protesta nila at nagsiuwian bago matapos ang long weekend (Sana nag-enjoy sila sa bakasyon nila).

Kung ako yung INC representative na nasa negotiating table kasama ang pangulo ng Pilipinas at ang kanyang gabinete, ano ba yung mga pwedeng gawin nila na magpapapayag sa aking itigil na yung protesta at utusan yung mga kampon kong umuwi na sa kani-kanilang impyerno, este, spaceship, este, bahay?

Of course, hindi ako papayag na basta-basta ko na lang ihihinto yung “successful rally” namin. Ano ako, hibang? (Yes, hibang na talaga ako kapag naging creep din ako.)

Ang unang posibleng deal na tanggapin ng INC e yung pagre-resign ni Justice Secretary Leila De Lima. Now, sinabi na ni De Lima na hindi raw s’ya magbibitiw sa kanyang pwesto. Pero sabi lang n’ya ‘yon. Pwedeng ngayon, nasa DoJ pa s’ya, pero bukas, baka wala na. Nararamdaman kong within this month, aalis na s’ya sa pwesto, pero iba yung sasabihin n’yang dahilan.

Gagamitin n’ya yung pagtakbo n’ya sa Senado next year bilang rason sa kanyang pagbibitiw. Pero ang totoo, alam na naman nating lahat na may kinalaman doon ang INC. Ganu’n sila ka-powerful. Ito yung isang nakikita kong pwedeng mangyari sa near future.

Ang pangalawang posibleng deal e ibabasura ni De Lima yung kasong sinampa ni Samson laban sa Sanggunian ng INC. Now, kapag ginawa ni De Lima ‘yon, alam ko pwede s’yang kasuhan. I’m not a lawyer so I don’t know exactly what case can be filed against her. Graft? Obstruction of justice? Help me, lawyers.

Pwede rin namang hindi n’ya ibasura yung kaso pero idi-delay n’ya nang idi-delay hanggang sa mabaon sa limot. Maliban sa pag-delay, pwede ring gumawa ng pekeng imbestigasyon at sabihing walang sapat na ebidensya para iusad yung kaso sa korte (na s’yang may karapatang magpalabas ng warrant of arrest para sa mga taong involved sa kasong illegal detention).

Pangatlo, baka nangako ang Malacanang na iluluklok nila ang ilang INC members sa mahahalagang government positions, na lalong magpapalakas ng kapit ng grupong ‘to sa pamahalaan. Hawak na kaya nila yung Bureau of Customs, yung isa sa pinakakurakot na ahensya ng gobyerno. Remember yung isyu ng balikbayan box? Never forget.

Pang-apat, baka nasuhulan na ng malaking halaga yung INC.

Syempre, sasaya ako kung lahat ng hula ko e mali. Sana walang magkatotoo sa kahit ano d’yan. Pero imposible talagang walang kapalit yung nangyari kahapon. At dahil tikom ang bibig ng Malacanang, wala tayong choice kundi manghula. Kung may Freedom of Information Law lang sana, hindi ‘to basta-basta mapapalampas ng media.